DILG: Pagsusulong sa RevGov, ‘abala’ lamang ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya

Ang biglaang pagsusulong para sa pagtatatag ng revolutionary government ay magiging abala lamang umano sa mga opisyal sa patuloy na laban ng bansa kontra Covid-19, pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Agosto 24.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, malaki ang posibilidad na hindi papansinin ng mga awtoridad ang nasabing panukala sa ngayon dahil nasa gitna ng global health crisis ang bansa.

Aniya, “At this time, sarado kami. Dahil we are focused on Covid.”

We do understand why they want to amend the Constitution. But given that we are battling a great crisis right now, this could be a distraction from what we’re doing (Nauunawaan namin kung bakit nila gustong amyendahan ang Konstitusyon. Subalit, dahil tayo ay nasa krisis, posible itong makaabala sa ginagawa natin),” paglilinaw ni Malaya.

Idiniin din ng opisyal na okupado ang ahensya sa iba’t-ibang pandemic response efforts katulad ng contact tracing program at pagtatayo ng mas maraming isolation facilities.

Noong nakaraang linggo, naglunsad ang grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee ng event bilang pagsuporta para sa pagtatayo ng isang revolutionary government na pangungunahan ni Duterte. Sa pamamagitan nito, mapapabilis umano ang pagtransisyon ng pamahalaan sa pederalismo bago bumaba sa puwesto ang pangulo sa 2022.

Ayon kay Malaya, hindi umano kinonsulta ang DILG, na siyang chair ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform, tungkol sa nasabing hakbang.

Idiniin din ng opisyal na taliwas sa Saligang Batas ang hinihiling ng grupo.

If you look at the constitution, the constitution only speaks of a constitutional convention, constituent assembly, or a people’s initiative as a means of amending it… So that’s where the grey area comes in (Kung titingnan ang konstitusyon, maaari lamang itong amyendahan sa pamamagitan ng constitutional convention, constitutional assembly, o people’s initiative… Dito nagkakaroon ng problema),” paglilinaw ni Malaya.

Dapat umanong saklaw ng Saligang Batas ang anumang gagawing pag-amyenda sa Konstitusyon.

Pinanatili naman ng Malacañang ang posisyon nitong nakapokus aniya sa ngayon ang administrasyon sa pagtugon sa Covid-19 krisis, na maituturing na “most urgent” sa ngayon.

Gayunpaman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayang ipahayag ng grupong nagsusulong ng revolutionary government sa publiko ang kanilang opinyon.

LATEST

LATEST

TRENDING