
Aabot sa 1,333 na traditional jeepneys ang pinahintulutan na muling magbalik-pasada sa Metro Manila simula Agosto 26.
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Agosto 24 na inaprubahan na nito ang pagbabalik-operasyon ng mga traditional jeepneys sa 23 na mga ruta.
Sa inilabas na Memorandum Circular 2020-040, maaari nang pumasada ang mga traditional jeepneys sa mga itinalagang ruta nang walang special permit. Subalit, dapat umanong kumuha ng QR code galing LTFRB ang bawat unit bago makapagsakay ng pasahero.
Ang mga sumusunod na ruta ay bukas na simula Miyerkules, Agosto 26:
T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin – Malinta
T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad – PRC
T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt – Divisoria
T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt – Retiro
T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan – Pier South
T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria – Libertad via Mabini
T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.
Sinabi ng LTFRB na maibabalik nito ang oeprasyon ng 13,776 traditional jeepneys sa 149 na mga ruta dahil ibinalik na ang Metro Manila sa general community quarantine noong nakaraang linggo.
Kasalukuyan namang pumapasada ang 786 modern jeepneys sa 45 na mga ruta, habang 3,696 public utility buses naman ang pumapasada sa 31 na mga ruta.
May 23,776 transport network vehicles naman na nagsasagawa ng operasyon, habang bumibiyahe naman ang 1,621 UV Express units sa 51 na mga ruta.
Ang pagsusuot ng face mask at face shield ay mandatoryo sa lahat ng pampublikong transportasyon.