PH, hinigpitan ang pagpasok ng mga banyaga sa bansa na umano’y may mga asawang Pinoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hinigpitan ng Bureau of Immigration ang screening ng mga papasok na banyaga sa bansa na pinapalabas na may asawa silang Pilipino, matapos kumalat ang mga fake marriage certificates.

Sa inilabas na pahayag noong Agosto 23, sinabi ng ahensya na dalawang South Koreans ang tinanggihang makapasok sa Mactan-Cebu International Airport noong Agosto 17 dahil sa pagpresenta ng pekeng marriage certificates.

Natuklasan ng immigration officers na isa sa mga Koreano ay hindi pa nakatapak ng Pilipinas, habang wala naman sa bansa ang kanyang kasamang dapat ikakasal sa isang Pilipina, ayon kay Grifton Medina, acting chief ng port operations division ng ahensya.

Inamyendahan ng pamahalaan ang mga panuntunan nito hinggil sa pagpasok ng mga banyagang turista sa bansa sa pamamagitan ng pag-exempt sa mga may asawang Pilipino, o may mga Pilipinong anak na menor de edad o may special needs, kahit anong edad, sa Pilipinas.

Ang paghihigpit na ito ay ipinatupad kasabay ng pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, “It is not enough that they have entry visas, marriage and birth certificates in their possession (Hindi sapat na may entry visa, marriage, at birth certificates silang hawak).”

Maari rin umanong sumailalim ang mga foreigners sa “secondary inspection” kung may mga inconsistencies sa kanilang pagsagot sa mga Immigration officers, dagdag pa ni Medina.

LATEST

LATEST

TRENDING