Duque, umapela sa lahat ng health workers na maging ‘hindi makasarili’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa medical workers na maging “hindi makasarili” at tumulong sa mga ospital ng bansa sa laban kontra Covid-19, gaano man ito kahirap.

Aniya, “Siguro, let’s be selfless (huwag tayong maging makasarili)… It is not going to be easy anytime soon. It is going to be more difficult, but we just have to live with it. But of course, the sense of nation must be an overarching consideration in the hearts of every healthcare worker (Hindi ito magiging madali sa nalalapit na hinaharap. Mas magiging mahirap pero kailangan nating mamuhay na ganito. Subalit, dapat isaalang-alang ng bawat health worker ang kapakanan ng bayan sa puso nila).”

“Ako po ay nananawagan. I appeal to the sense of nationalism and patriotism of every healthcare worker, nasa giyera po tayo, magkaisa po tayo, magtulungan po tayo,” dagdag pa ni Duque.

Ayon kay Duque, maraming overseas medical professionals na kauuwi lamang ng bansa ang tumangging mag-apply sa emergency hiring program ng Department of Health (DOH).

Sa tinatayang 1,000 medical workers na nais i-recruit ng pamahalaan. 25 lamang umano ang lumahok, ayon sa kalihim.

“’Yung iba ay ayaw,” ani Duque.

Dagdag pa nito, “Baguhin po natin ang ating pagiisip sa gitna po ng pandemyang ito.”

Niluwagan ng gobyerno ang overseas deployment ban ng medical workers, kung saan maaari nang umalis ng bansa ang mga may employment documents or noon o bago mag Marso 8.

LATEST

LATEST

TRENDING