Nurse, tumulong magpaanak sa gilid ng highway

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ng: Bangkal FERDS Makati at ni Glenn Joseph Biasca

Habang nagmamadaling pumasok ang nurse na si Lorrainne Pingol sa pinagtatrabahuhang HMO company sa Makati City, nadatnan niya ang isang buntis na nanganganak sa gilid ng Osmeña Highway.

Tinawag si Pingol ng mga miyembro ng rescue team ng Brgy, Bangkal, kung saan siya nakatira nang makita ang kanyang suot na puting uniporme.

Nagtaka muna si Pingol ngunit naunawaan niya ang nangyayari nang makita ang inang nakaratay sa karton at ang kanyang umiiyak na sanggol.

Aniya, “Sabi ko sa sarili ko, ‘bakit hindi pa nila sinugod sa ospital? Ano’ng hinihintay nila, sino pa hinihintay nila dito?”

“There’s no other person to help them kundi ako at that period of time, kaya tumulong na ako,” dagdag pa ni Pingol. 

Wala sa mga lalakeng rumesponde ang kwalipikadong tapusin ang delivery sa pamamagitan ng pagputol ng umbilical cord, ayon kay Christian Jacinto, head ng rescue team.

Sinabi ni Jacinto na sinusugod nila kadalasan ang mga manganganak sa ospital, subalit sa puntong ito kinailangan nilang magmadali.

Ibinahagi naman ng rescue team kung gaano kakalmado si Loraine sa pagpapaanak sa nanay, at hindi pa nga nito tinanggal ang kanyang backpack.

Subalit, sinabi ng nurse na mahigit dekada na umano noong nag-assist siya sa delivery, bilang intern sa Far Eastern University noong siya’y nag-aaral pa.

Nagpapasalamat siya at naging matugumpay ang pagpapaanak dahil muli niyang nagamit ang kanyang mga natutunan.

“I think it was an easy delivery case, at thankful ako doon kasi kung complicated yung pregnancy ng nanay tapos ganoon yung environment, it would be harder for me and for anyone else to handle the situation,” ani Pingol.

Dagdag pa niya, “Siguro wrong timing siya in regards to my work di ba? Pero in regards to that situation, siguro talagang sinadya siguro ng Diyos na ma-late ako, na tanghaliin ako ng gising para sumakto yung oras ko sa oras ng pagdaan ko doon sa babaeng nanganak at nang nakatulong ako.”

Isang malaking sakripisyo para kay Pingol ang pagiging nurse nahil na-diagnose ito sa sakit na leukemia noong 2013. Siya ay nasa remission na nang anim na taon, at kinailangang iwasan ang pagtatrabaho sa mga ospital para hindi malagay sa peligro ang kanyang immune system. 

LATEST

LATEST

TRENDING