Sen. Bong Revilla, sinugod sa ospital

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sinugod sa ospital si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. noong Agosto 18, isang linggo matapos itong magpositibo sa Covid-19, ayon sa kanyang asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Kinailangan daw ipasok sa ospital ang senador, na nagkaroon na ng pneumonia, dagdag pa ni Mercado.

Aniya, “He (Revilla) is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal (Sinugod siya sa ospital. Ipinapakita ng kanyang huling x-ray na nagkaroon na siya ng pneumonia at hindi na sapat ang isolation sa regular na pasilidad).”

Matapos inanunsyo ni Mercado ang kalagayan ng kanyang asawa, nagpost naman ng video si Revilla sa kanyang Facebook account.

Makikita itong kumakaway sa camera habang nahihirapang magsalita dahil sa ubo.

“Magandang araw po. I’m okay, laban,” giit ng senador.

Dagdag pa niya, “Just pray for me, please (Ipagdasal ninyo ako).”

Subalit, binura rin ang video kinalaunan.

Inanunsyo ni Revilla ang kanyang pagkakahawa sa Covid-19 noong Agosto 9.

LATEST

LATEST

TRENDING