Morales at 13 PhilHealth officials, pumirma ng bank secrecy waiver

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth President at CEO Ricardo Morales

Pumayag ang pangulo at iba pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na suriin ng Anti-Money Laundering Council ang kanilang bank transactions.

Sa isinagawang pagdinig ng House committees on public accounts at good government and public accountability noong Agosto 17, sinabi ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na isa si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales sa mga pumirma ng bank secrecy waivers para mapahintulutan ang anti-corruption body na tingnan ang kanilang mga accounts dahil sa mga alegasyon ng iregularidad sa ahensya.

Ang iba pang mga opisyal ay sina:

• EVP COO Arnel De Jesus

• SVP Dennis Mas

• SVP Atty. Rodolfo Del Rosario Jr.

• SVP Jovita Argona

• Acting SVP Nerissa Santiago

• SVP Renato Limsiaco Jr.

• SVP Israel Francis Pargas, MD

• VP Oscar Abadu

• Corporate Sec. Atty. Jonathan Mangaoang

• VP Shirley Domingo, MD

• Area VP Walter Bacareza

• Area VP Francisco Soria, MD

• Senior Manager Bernadette Lico

Naunang hinamon ni Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuerte ang mga PhilHealth officials na pumirma ng bank secrecy waiver para sa transparency.

Ipagpapatuloy naman ng Senado ang pagdinig hinggil sa isyu ng PhilHealth sa Martes, Agosto 18.

Ito ay dadaluhan nang birtuwal ni Health Secretary Francisco Duque III.

LATEST

LATEST

TRENDING