Duque, dadalo sa Senate hearing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III noong Agosto 17 na dadalo nang birtuwal si Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senado tungkol sa mga alegasyon ng iregularidad sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Kinailangang i-isolate si Duque, kasama ang iba pang miyembro ng Gabinete, matapos magpositibo sa Covid-19 nang ikalawang beses si Interior Secretary Eduardo Año nitong weekend.

He (Duque) has sent word to me that he will attend virtually (Ipinagbigay-alam niya sa aking dadalo siya nang birtwal),” ani Sotto.

Bago ang kumpirmasyon ng kalihim, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi dahilan ang quarantine para hindi dumalo si Duque sa pagdinig hinggil sa alegasyon ng overpricing ng equipment sa PhilHealth.

Ipinahayag naman ni Sen. Risa Hontiveros na mahalaga ang partisipasyon ni Duque sa pagdinig dahil mayroon itong “institutional memory” sa liderato ng korporasyon.

Dating pinangunahan ni Duque ang Department of Health (DOH) noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, at naging bahagi rin ng PhilHealth board simula noong 2001.

LATEST

LATEST

TRENDING