Recto, kinuwestyon ang plano ng pamahalaan para sa PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senate Pro Tempore Ralph Recto

Dapat ipaliwanag ng limang miyembro ng Gabinete ni Pagulong Rodrigo Duterte na inatasang maging overseer ng PhilHealth ang plano para sa ahensya, na “nagugunaw” dahil sa alegasyon ng katiwalian, ayon sa isang senador noong Agosto 17.

Ang board, na inatasang “protektahan ang buwis ng taumabayan” sa pamamagitan ng paggawa ng mga palisiya ng PhilHealth, ay kinabibilangan ng mga sumusunod, ayon kay  Senate Pro Tempore Ralph Recto: 

  • Health Secretary Francisco Duque III
  • Social Welfare Secretary Rolando Bautista
  • Labor Secretary Silvestre Bello 
  • Finance Secretary Carlos Dominguez 
  • Budget Acting Secretary Wendel Avisado 

There should be no investigation to begin with (Walang dapat nangyaring imbestigasyon), dapat trabaho nila ‘yon. Hindi trabaho ng Senado yun e,” giit ni Recto.

Dagdag pa niya, “Why are we investigating PhilHealth (Bakit natin iniimbestigahan ang PhilHealth)? Napabayaan ng board siguro.”

Ayon sa mga whistleblowers na tumestigo sa Senado, mayroon aniyang “mafia” sa loob ng ahensya na nagnakaw ng aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya. Inakusahan din ang ilang mga opisyal ng pag-apruba sa milyun-milyong pisong overpriced gadget, software, at fund releases para sa mga umano’y pinapaborang mga ospital.

Look at the situation: one of the most important institutions in our health system is imploding (Tingnan natin ang sitwasyon: isa sa mga pinakamahalagang institusyon ng atig health system ay nagugunaw),” wika ni Recto. 

“What about the big brothers in the Cabinet? Nag-special board meeting na ba? Are they addressing the issue already? Who are they going to appoint temporarily?” tanong ng senador.

Naunang naghain ng medical leaves sina PhilHealth President and CEO Ricardo Morales at Executive Vice President Arnel De Jesus at nagdesisyong hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.

Nitong weekend, anim na PhilHealth regional vice presidents ang naghain din ng leave of absence. 

Sa ilalim ng batas, PhilHealth board ang magrerekomenda ng papalit kay Morales kung magbitiw ito sa puwesto, paliwanag ni Recto.

Kasalukuyang nagsisilbing chairman ng board si Duque. Dapat umanong tiyakin nitong naaayon ang mga programa ng PhilHealth sa mga programa ng Department of Health.

Aniya, “The chairman of the board… parang Senate President iyan, parang Speaker. What you say is given weight”.

LATEST

LATEST

TRENDING