PUV drivers, pinagsabihan at pinagmulta sa unang araw ng mandatoryong pagsusuot ng face shield

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jansen Romero (Manila Bulletin)

Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office (LTO) noong Agosto 15 para sa unang araw ng implementasyon ng mandatoryong pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon.

37 PUV drivers ang pinagmulta sa Cagayan de Oro para sa reckless driving matapos hindi nakapag-comply sa mandatoryong pagsusuot ng face shield. ₱2,000 ang naging multa para sa mga drayber.

Nagsagawa rin ng parehong inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) sa Central Visayas sa parehong araw.

Ayon kay LTO Central Visayas (LTO-7) director Victor Caindec, nagsasagawa na sila ng random checkpoints na nakapokus sa mga drayber at konduktor na magpapahintulot sa mga commuter na sumakay nang walang face shield.

Naunang inanunsyo ng DOTr na gagawin nilang mandatoryo ang pagsusuot ng face shield habang sumasakay sa pampublikong transportasyon. Ginawa ring mandatoryo ng Labor Department ang pagsusuot ng face shield para sa mga empleyado sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan simula Agosto 15.

LATEST

LATEST

TRENDING