Metro Manila mayors, gustong ipatupad ang striktong GCQ sa NCR pagkatapos ng Agosto 18

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: George Calvelo (ABS-CBN News)

Inirekomenda ng mga alkalde ng Metro Manila ang pagpapagaan ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR), ayon sa Malacañang noong Agosto 17.

Nagkaisa ang mga alkalde sa panawagang isailalim sa striktong general community quarantine ang Kamaynilaan pagkatapos ng Agosto 18, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “I can confirm na ang rekomendasyon ng mga mayor ay GCQ, pero yung GCQ po noong buwan pa ng Hunyo na mas mahigpit kaysa sa eventual GCQ na pinapatupad na”.

“Unanimous naman po ang recommendation ng IATF (Inter-Agency Task Force) at ng mga Metro Manila mayors kay Presidente,” dagdag pa ni Roque.

Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Agosto 4 alinsunod sa panawagan ng mga pagod na health workers para sa “timeout” dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases.

Ayon kay Roque, malabong panatilihin ang MECQ sa Metro Manila at mga kalapit na economic hubs dahil sa paubos na pondo ng pamahalaan.

Nakatakdang makipagpulong si Duterte sa IATF sa Lunes, Agosto 17, para talakayin ang panibagong mga klasipikasyon ng community quarantine.

LATEST

LATEST

TRENDING