Pacquiao, dinipensahan si Lacson mula sa trolls hinggil sa isyu ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Bullit Marquez (AP)

Ipinagtanggol ni Senador Manny Pacquiao si Senador Panfilo Lacson laban sa pambabatikos sa kanya online dahil sa panggigisa nito sa ilang presidential appointees at opisyal ng administrasyon na iniuugnay sa mga iregularidad sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Sa halip na banatan si Lacson, dapat “magpasalamat” na lang kanya ang mga “trolls” at tagasuporta ng administrasyon dahil sa pagbibigay nito ng mga impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa katiwalian sa PhilHealth, pahayag ni Pacquiao.

Aniya, “Huwag naman sanang masamain itong mga ginagawang pagbubuyag ni Senator Lacson. He is just doing his job (Ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho)”.

He is an active partner of President Duterte in the fight to clean the government of irregularities (Siya ay aktibong katuwang ni Pangulong Duterte para linisin ang pamahalaan laban sa mga iregularidad),” dagdag pa ni Pacquiao.

Ang mga nambabatikos kay Lacson at sa iba pang mga senador ay nagrereklamo na nagsasagawa lamang umano sila ng imbestigasyon na hindi naman nagdudulot ng reporma o nagpapatalsik ng mga kurap na opisyal ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Pacquiao na sa ilalim ng batas, maaari lamang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado “in aid of legislation” at magsumite ng rekomendayson sa ehekutibo.

It is the President who has the sole power to fire erring officials in his administration (Pangulo lamang ang may kapangyarihang magtanggal ng mga tiwaling opisyal sa kanyang administrasyon),” wika ni Pacquiao na kaalyado ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ng senador, “It is up to the President to appreciate the recommendations of the Senate and we would not take it as an offense if in the end he sees things differently (Bahala na ang pangulo kung paano niya tatratuhin ang mga rekomendasyon ng Senado at hindi ikasasama ng aming loob kung hindi siya sasang-ayon sa amin)”.

Nauna namang ipinakita ni Lacson ang ebidensiyang nakapag-disburse nang P9.7 milyon ang PhilHealth regional officials para sa isang rural bank na hindi saklaw ng kanilang jurisdiction, kahit wala umanong demand para sa reimbursement.

Kinuwestyon din ng senador ang procurement ng pinahihinalaang overpriced tech equipment sa PhilHealth at pagbibigay ng bilyun-bilyong Covid-19 funds para sa mga klinikang hindi naman tumutugon sa coronavirus patients.

LATEST

LATEST

TRENDING