Malacañang, kampanteng ipapakita ni Morales ang kanyang bank records

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth President at CEO Ricardo C. Morales
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Posibleng buksan ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president Ricardo Morales ang kanyang bank records alinsunod sa isinasagawang imbestigasyon sa ahensya, ayon sa Malacañang noong Agosto 13 matapos sumang-ayon ang ilang opisyal ng PhilHealth na tingnan ng Anti-Money Laundering Council ang kanilang mga bank accounts.

Si Morales, na nakatakdang mag-medical leave sa susunod na linggo para sumailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma, ay posibleng maglagda ng waiver para mapahintulutan ang AMLC na tingnan ang kanyang bank accounts, wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “I’m sure Gen. Morales will also sign such a waiver (Tiyak akong pipirma rin si Gen. Morales ng naturang waiver)”.

“But in any case, lahat naman po tayong taong gobyerno, kapag tayo po ay nagpa-file ng SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth), mayroon po tayong pinipirmahan sa ating SALN na pumapayag tayo na buksan ang ating mga bank accounts ng Ombudsman,” dagdag pa ni Roque.

Kasalukuyang sumasailalim si Morales at iba pang mga opisyal ng PhilHealth sa imbestigasyon dahil sa pagkakasangkot sa mga umano’y maanomalyang mga transaksyon ng korporasyon.

Lumikha naman ng multi-agency task force si Pangulong Rodrigo Duterte para paimbestigahan ang PhilHealth at mga opisyal nito, dahil sa mga alegasyon ng kurapsyon.

LATEST

LATEST

TRENDING