Peso, lumakas sa 48-level; Stocks, tumaas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagsara ang peso sa mahigit three-year high nito sa 48-level laban sa US dollar noong Agosto 11, habang tumaas naman ang main equities index (PSEi).

Nagtapos ang peso sa 48.92 laban sa greenback, ang pinakamalakas simula nang 48.66 close nito noong Nobyembre 10, 2016.

Nagbukas ito sa 49.08, tagilid mula sa 49.05 start ng nagdaang sesyon.

Nai-trade ito sa pagitan ng 49.08 at 48.92, para maabot ang 48.97.

Umabot naman ang kabuuang volume sa USD743.4 million, mas mataas kumpara sa USD409.3 milyon noong nagdaang araw.

PHP (the Philippine peso) continues to strengthen as the current account (CA) moves back into surplus despite a projected 10-15 percent drop off in OF (overseas Filipino) remittances (Patuloy ang paglakas ng PHP habang bumabalik ang CA sa surplus bagama’t may inaasahang 10-15 percent na drop off sa OFW remittances),” paliwanag ni ING Bank Manila senior economist Nicholas Mapa tungkol sa epekto ng pandemiya sa hanapbuhay ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Mapa na bumuti ang lagay ng current account ng bansa bunsod ng pagbagsak ng imports dahil sa pagkawala ng economic activity at capital formation.

Dagdag pa niya, “With economic momentum slowing considerably while the virus spreads, we may not foresee a quick return to pre-pandemic demand for imports. Thus, PHP may retain its appreciation bias with the CA remaining in surplus (Sa pagbagal ng ekonomiya dahil sa paglaganap ng virus, posibleng hindi natin makita ang mabilis na pagbalik sa pre-pandemic demand para sa imports. Dahil dito, mapapanatili ng PHP ang appreciation bias sa natitirang surplus ng CA)”.

Inaasahan ni Mapa na babalik ang local unit sa 49-level kontra US dollar sa weekend, bago ang paglabas ng retail sales data ng Estados Unidos.

Samantala, nadagdagan ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ng 0.39 percent, o 23.02 points, para sa kabuuang 5,953.94 points.

Umangat ang lahat ng shares nang 0.68 percent, o 23.92 points, para sa kabuuang 3,537.29 points.

Nanguna naman ang Services sector na tumaas sa 1.53 percent.

Tumaas din ang Holding Firms counter nang 0.63 percent, Property nang 0.28 percent, at Mining and Oil nang 0.03 percent.

Bumagsak naman ang financials sa 0.50 percent, at Industrial nang 0.04 percent.

Umaabot sa 5.31 billion shares katumbas nang PHP5.07 bilyon ang volume total.

Pinangunahan ng gainers ang mga losers sa 115 kontra 84, habang wala namang nagbago sa 38 shares.

LATEST

LATEST

TRENDING