Kumpanya ng bus, balik-operasyon sa ilang bahagi ng Mindanao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinahintulutan na ang muling pagbiyahe ng mga bus sa inter-regional routes sa ilang bahagi ni Mindanao, ayon sa Yanson Group of Bus Companies (YGBC) noong Agosto 11.

Sinabi ng YGBC na binuksan na ang hindi bababa sa limang ruta matapos itong payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Matatandaang sinuspinde ng pamahalaan ang operasyon ng mga bus matapos lumaganap ang Covid-19 sa buong bansa.

Ayon kay Celer Estologa, YGBC spokesperson para sa Mindanao, pinayagan na ang pagbabalik-operasyon ng subsidiary company nitong Bachelor Express, Inc. matapos mag-comply sa mga itinakdang requirements ng LTFRB 13 (Caraga region), lalo na sa striktong obserbasyon ng health protocols sa loob ng mga bus at terminals.

Inanunsyo rin ni Estologa na naka-schedule ang mga inter-regional trips tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Ipinahayag naman ng LTFRB na papahintulutan lamang sumakay ang mga pasaherong mula sa ibang rehiyon kung makakapagpresenta ang mga ito ng mga kinakailangang dokumento.

Mandatoryo rin para sa mga pasahero ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras simula Agosto 15.

Samantala, sinabi ni Estologa na handang sumunod ang YGBC sa mga panuntunang itatakda ng IATF at LTFRB sa hinaharap, alinsunod sa pagbibigay prayoridad sa kapakanan at kaligtasan ng mga empleyado at ng publiko.

Our critical role during these tough times is to lead our people on how to sustain and provide safe and better service to the riding public. Our natural resiliency is greater than the challenges brought by Covid-19 (Ang mahalaga naming papel ngayong panahong ito ay magsilbing halimbawa para sa mga tao kung paano makapagbibigay ng mas maayos at ligtas na serbisyo sa publiko. Ang ating katatagan ay mas nangingibabaw sa mga hamong dala ng Covid-19),” ani Estologa.

LATEST

LATEST