Gov’t workers, pinaalalahanan si PRDD sa kanyang pangako laban sa kurapsyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinaalalahanan ng isang grupo ng mga empleyado ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naunang pahayag na dapat mag-resign ang mga tiwaling opisyal, matapos itong tumanggi na tanggalin sa puwesto ang pinuno ng PhilHealth bagama’t nahaharap sa maraming anomalya.

Sa unang bahagi ng kanyang termino, iginiit ni Duterte na dapat “umalis” ang mga opisyal na nahaharap sa kaso sa ilalim ng Office of the Ombudsman, ayon kay Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) national president Santi Dasmariñas Jr.

Aniya, “Naririnig po natin si Mr. President, nagsasabi siya na corruption must stop. Ang problema dito sa PhilHealth lahat-lahat na po nagsasabi [ng anomalya]”.

Pareho rin ang naging panawagan ni Senador Panfilo Lacson noong nakaraang linggo matapos mapag-alaman sa isinagawang pagdinig sa Senado na ibinulsa umano ng ilang opisyal ng PhilHealth ang aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya, pati na rin ang pag-apruba ng mga maanomalyang procurement ng kagamitan at paglalabas ng badyet para sa mga “pinapaborang” ospital.

“Sabi niya (Duterte) kasi noong araw, just a whiff of corruption—‘pag sinabi mong whiff, makaamoy ka lang—you’re fired,” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, “Of course, we do not question the authority of the President. Iyong hire-and-fire authority is always there, it’s his discretion… Pero ‘pag ganito namang may pandemya na pagkatapos ganyan ang maririnig natin, ewan ko kung hindi kayo ma-shock”.

Sinabi ni Duterte noong Agosto 11 na papanagutin niya ang mga sangkot na opisyal ng PhilHealth. Bumuo rin ito ng isang inter-agency task force para paimbestigahan ang mga anomalyang bumabalot sa ahensya.

Nauna namang inanunsyo ng Malacañang na hindi sisibakin ni Duterte si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales kung walang ebidensiya laban sa kanya.

LATEST

LATEST

TRENDING