Covid-19 vaccine, nairehistro na sa Russia ayon sa pangulo nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Vladimir Putin ng Russia

Opisyal nang nirehistro ng bansang Russia ang bakuna kontra Covid-19 na ginawa ng Moscow-based Gamaleya Institute, ayon kay Russian President Vladimir Putin noong Agosto 11.

Sa kanyang live teleconference kasama ang miyembro ng kanyang Gabinete, iginiit ni Putin na dumaan na ang nasabing bakuna sa mga karampatang pagsusuri.

Aniya, “A vaccine against coronavirus has been registered for the first time in the world this morning. I know that it works quite effectively, it forms a stable immunity (Nairehistro na ang isang bakuna kontra coranvairus sa kauna-unahang pagkakataon sa mundo ngayong umaga. Alam kong epektibo ito at nagdudulot ito ng stable immunity)”.

So we’re the first to have registered. I hope our foreign colleagues’ work will move as well, and a lot of products will appear on an international market that could be used (Kami ang unang nagparehistro. Umaasa akong kikilos din ang iba pang mga bansa, at dadami ang produkto sa international market na maaaring gamitin),” dagdag pa ni Putin.

Ayon kay Putin, nabakunahan na aniya ang isa kanyang mga anak na babae. Ito ay nagkaroon umano ng mataas na temperatura subalit bumuti na ang kanyang kalagayan.

Bagama’t lumaganap na ang balita tungkol sa pagkakadiskubre ng pinakaaasam-asam na bakuna sa Russia, nananatili pa rin ang pangamba hinggil sa kaligtasan, pagiging epektibo, at katiwalian sa likod nito.

Ipinahayag naman ng mga opisyal ng Russia na aarangkada na ang Phase III trials ng nasabing bakuna matapos itong irehistro.

Hindi naman naglabas ng scientific data ang Russia tungkol sa vaccine testing nito.

Ayon sa mga kritiko, ang paggawa ng bakuna ng Russia ay dulot umano ng political pressure mula sa Kremlin, na layong ipakita ang Russia bilang global scientific force sa buong mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING