Robredo, nais ipasuspendi ang mga opisyal ng PhilHealth habang sumasailalim ito sa imbestigasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Nais ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na suspendehin ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) habang kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa alegasyon ng katiwalian sa loob ng korporasyon.

Ito ay upang maisakatuparan ng mga awtoridad ang mas seryosong imbestigasyon aniya hinggil sa mga isyu ng kurapsyon sa loob ng ahensya.

Kinuwestyon din ni Robredo ang papel ng anti-corruption bodies ng pamhalaan na dapat tinugunan na ang problema noon pa, para hindi na sana lumala pa ang sitwasyon.

Sa isinagawang pagdinig sa Kongreso noong nakaraang linggo, ibinunyag ng mga whistleblowers ang pagnanakaw ng aabot sa P15 bilyong pondo ng PhilHealth sa pamamagitan ng iba’t-ibang fraud schemes.

Overpriced din umano ang naging badyet para sa IT equipment at software.

LATEST

LATEST

TRENDING