Roque: Media, nananatiling ‘alerto’ at ‘masigla’ sa ilalim ng administrastyong Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 8 ang administrastyong Duterte matapos mapag-alaman ng isang Social Weather Stations (SWS) survey na kalahati ng mga adult Filipinos ay sang-ayon na mapanganib ang maging kritikal sa administrasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na sumalamin ang tugon ng mga respondents noong panahon na kinuha ang kanilang opinyon, at iginiit na nangyari ang survey ilang araw bago mapagpasyahan ng Kamara na tanggihan ang ABS-CBN franchise renewal.

Aniya, “This SWS survey, we understand, was conducted a week (July 3 to 6) before the House of Representatives made their decision on the ABS-CBN broadcast franchise on July 10 (Itong SWS survey ay isinagawa isang linggo bago tanggihan ng Kamara na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN)”.

Ayon kay Roque, ang mga impormasyong kumakalat sa tradisyunal at social media noong panahong iyon ay tungkol sa ginaganap na pagdinig sa ABS-CBN franchise application. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring nakapag-impluwensiya aniya sa kaisipan ng mga respondents sa nasabing survey.

Be that as it may, the Duterte Administration continues to respect the freedom of the speech and the freedom of the press in the country (Gayunpaman, patuloy na nirerespeto ng Duterte Administration ang kalayaan sa pananalita at kalayaan ng pamahayagan sa bansa),” giit ni Roque.

Dagdag pa niya, “No single libel case has been filed by President Rodrigo Roa Duterte against the political opposition. Media remains alert and vibrant in their reportage of the government and the actions of officials (Walang ni isang kasong libel ang isinampa ng pangulo laban sa oposisyon. Nananatiling alerto at masigla ang media sa pag-uulat tungkol sa pamahalaan at sa mga gawain ng mga opisyal)”.

Sa naturang SWS survey, 51 percent ng Filipino adults ang sumang-ayon sa pahayag na “it is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth (delikado ang mag-print o mag-broadcast ng kahit anumang bagay na kritikal sa administrasyon, kahit ito ay totoo)”.

30 percent naman ang tumanggi, habang 18 percent ang hindi tiyak.

Ang net agreement ngayong taon tungkol sa pag-uulat nang kritikal laban sa Duterte administration ay mas mababa nang 10 puntos sa moderate +21 kumpara sa strong +31 na iniulat ng SWS noong Hunyo 2019.

Ang mga mariing tumanggi naman ay umakyat sa 17 percent mula 8 percent noong 2019, habang ang mga bahagyang tumatanggi ay tumaas sa 14 percent mula 12 percent.

Ang mga hindi tiyak naman ay bumaba mula 29 percent patungong 18 percent.

LATEST

LATEST

TRENDING