Duterte, hindi sisibakin ang pangulo ng PhilHealth hangga’t walang ebidensiya laban dito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PhilHealth President and CEO Ricardo C. Morales
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ricardo Morales bilang pangulo ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) kung walang ebidensiya ng katiwalian laban sa retired military general.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Kamara at Senado ang mga alegasyon ng iregularidad sa korporasyon matapos masangkot sa katiwlaliwan ang ilang mga opisyal nito.

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon tungkol sa isyu ang Malacañang.

The President has said that he will not fire him unless there’s evidence and I think the Senate now is in the process of documenting this evidence (Hindi siya sisibakin ng pangulo hangga’t walang ebidensiya at sa tingin ko kinakalap na ng senado ang ebidensiya),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, ipinagbigay alam sa kanya ni Senador Bong Go na patuloy ang tiwala ng pangulo kay Morales.

Dagdag pa ni Roque, “I think after the evidence are unearthed, the President will move and do the correct thing (Kung mailalabas ang ebidensiya, tiyak akong gagawin ng pangulo ang tamang hakbang)”.

He knows that people are counting on PhilHealth at the time of a pandemic and we cannot afford the citizenry to lose their faith and trust in the agency that is most relevant to them when there is a threat of disease (Alam niyang umaasa ang taumbayan sa PhilHealth ngayong panahon ng pandemiya at hindi natin hahayaan na mawalan ng tiwala ang publiko sa ahensya na pinakakailangan nila ngayong may banta ng sakit),” giit ng tagapagsalita ng pangulo.

Inamin naman ni Morales sa mga senador noong Agosto 4 na hindi umano sapat ang kanyang mga hakbang para masugpo ang kurapsyon sa PhilHealth.

Aniya, “Hindi po sapat ang aking ginagawa…Inaamin ko ho, kulang ako sa paghanap ng mga gumagawa ng katiwalian. Marami pa rin sila”.

Ibinunyag naman ni resigned PhilHealth anti-fraud officer Thorrson Montes Keith na ibinulsa ng ilang opisyal ng korporasyon ang aabot sa P15 bilyong pondo sa pamamagitan ng iba’t-ibang modus.

Sinabi rin nitong overpriced ang ilang mga items nang milyun-milyon sa IT department ng ahensya.

Ayon kay Roque, na naunang sinabing palpak si Morales sa pagtugon sa katiwalian ng PhilHealth, “nakababahala” na isang dating heneral ng militar ang hindi nakapagpresenta ng plano para solusyunan ang problema.

Matatandaang noong itinalaga si Morales ni Duterte para pangunahan ang PhilHealth noong Hulyo 2019, ipinahayag ng pangulo na nais niyang isang retired general ang mamuno sa ahensya para masugpo ang kurapsyon dito.

Naging pinuno ng PhilHealth si Morales sa panahong pinapaulanan ng kritisismo ang ahensya dahil sa alegasyon ng misuse sa mga pondo nito at paglipana ng mga bogus treatments katulad ng tinaguriang “ghost” dialysis scam.

When he (Morales) was placed there by the President to replace a previous board and a previous president because of the WellMed scam, our expectation is he will take concrete steps to rid the agency of corruption (Noong itinalaga si Morales ng pangulo para palitan ang dating pamunuan dahil sa WellMed scam, umasa kaming tutugunan nito ang kurapsyon sa ahensya),” giit ni Roque.

Dagdag pa niya, “Any president in PhilHealth should be able to say, I know what to do with corruption in the agency and I will do it (Kahit sinong pangulo ng PhilHealth ay makapagsasabing alam niya kung paano wawakasan ang kurapsyon sa ahensya),” he added.

Itinutulak ni Morales ang pagsasaayos ng information system sa PhilHealth upang mabigyan ng tuldok ang mga kurap na aktibidad.

LATEST

LATEST

TRENDING