Bulgar kay Catriona Gray: Hindi kami ang kaaway mo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Tumugon ang Bulgar noong Agosto 4 sa reklamo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na humihiling ng P10 milyong danyos at public apology matapos ilathala ng nasabing tabloid ang kanyang pekeng larawan na naka-topless.

Naglabas ng pahayag si Bulgar entertainment editor Janice Navida, pati ang na si writer Melba Llanera, sa website ng newspaper.

Ayon kay Navida, natanggap niya ang demand letter ni Gray na may pestang Hulyo 30, noon lamang Agosto 3 dahil siya ay naka-quarantine nang 14 na araw.

Para naman sa reklamo ni Gray, sinabi ni Navida: “It’s really unfortunate and I feel so sorry that we came to this point when we could have talked nicely (Nakalulungkot ang pangyayari at umabot pa tayo sa puntong ito imbes na napag-usapan nang masinsinan).”

Idiin din niyang “good friend in the entertainment world” ang abogado ng beauty queen na si Atty. Jojie Alonso.

Ayon naman sa kampo ni Gray sa nasabing demand letter, “immeasurable damage” ang naidulot ng Bulgar sa kanyang reputasyon dahil sa pagsasapubliko ng naturang pekeng “topless” na larawan.

Iginiit ni Navida na natanggap nila ang larawan sa gitna ng mga aktibidad ng ex-boyfriend ni Gray na si Clint Bondad, kung saan nagpost ito ng mga palaisipang Instagram posts patungkol kay Gray at sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Sam Milby.

The first thing that got into our mind if of course, is this true or fake (Ang unang pumasok sa isip namin ay kung totoo o peke ba ito)?” ani Navida.

Ayon kay Navida, ang intensyon ng Bulgar sa paglalathala ng larawan ay upang ipagbigay-alam sa mga tagabasa, hindi lamang sa kampo ni Gray, na maaaring may grupo ng mga taong nagpapakalat nito para siraan umano ang beauty queen.

Ayon naman sa artikulong kasama ng larawan, “Kung sakaling totoo ito at hindi edited lang, ‘di na namin papangalanan pero tiyak na may ideya na ang ibang tao kung sino ang maaaring nasa likod ng paglalabas nito.”

Umaasa aniya ang Bulgar na mapagtatanto ni Gray na nasa kanya ang simpatya nila. Binigyang diin ni Navida na bagama’t “masama pakinggan” ang pangalan ng diyaryo, ang tunay na layunin umano nito ay ibulgar ang katotohanan nang walang halong bias.

LATEST

LATEST

TRENDING