Lacson: Ano ang ginagamit na ‘magic potion’ ni Duque sa pananatili nito sa puwesto?

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte at DOH Secretary Francisco Duque III

Muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III mula sa kaliwa’t-kanang pambabatikos tungkol sa management ng Covid-19 krisis.

Ipinagtataka naman ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung bakit buo pa rin ang tiwala ng pangulo kay Duque bagama’t ilang beses nang ipinanawagan ang pagbibitiw ng kalihim sa puwesto.

I couldn’t understand what ‘amulet’ or magic potion Duque has as far as the President is concerned (Hindi ko maunawaan kung anong ‘amulet’ o ‘magic potion’ ang mayroon si Duque na ginamit sa pangulo),” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, “It is not only me who disagrees with the President for not firing Secretary Duque. There were 14 senators who had earlier asked him to resign. I don’t think that number has changed (Hindi lamang ako ang tutol sa pangulo sa hindi pagsibak kay Duque. 14 na senador ang naunang nanawagan sa kanyang pagbibitiw. Sa tingin ko hindi nagbago ang numerong ito).”

Tinutukoy ni Lacson ang naunang inihaing resolusyon ng mga senador na ipinanawagan ang pagbibitiw ni Duque bilang pinuno ng DOH dahil sa “kapalpakan, kapabayaan, kawalan ng foresight, at hindi pagiging episyente sa mga ipinatutupad na hakbang ng DOH”.

Idiniin ni Lacson na maraming kawani ng DOH at miyembro ng medical community ang sang-ayon din sa pagbibitiw ni Duque sa puwesto.

Bumuwelta ang senador sa pahayag ng pangulo na hindi dapat ibaling kay Duque ang kritisismo dahil hindi naman siya umano ang nagdala ng coronavirus sa bansa.

“No sir,” tugon ni Lacson kay Duterte sa pamamagitan ng isang tweet.

The Covid-19 importers are the virus-infected couple from Wuhan, China, who spread the virus in Manila because your Secretary Duque miserably failed to do a simple contact-tracing (Mag-asawa galing Wuhan, China ang nagdala ng virus sa bansa na lumaganap dahil sa kapalpakan ni Secretary Duque dahil sa hindi pagpapatupad nito ng simpleng contact-tracing).”

Subalit, iba naman ang tindig ni House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan sumang-ayon ito kay Duterte na Covid-19 ang kaaway at hindi ang pamahalaan.

Nanawagan si Cayetano para sa pagkakaisa at sinabing dapat maging “bukas ang isipan” ng taumbayan at hindi dapat “panghimasukan ng pulitika” ang paggawa ng tama.

Huling umani ng pambabatikos si Duque mula sa ilang senador at opisyal dahil sa isinakatuparang “mass recovery” adjustment ng DOH, na kinabibilangan ng 37,000 mild at asymptomatic cases na itinuring na “recovered” sa bagong Covid-19 reporting system ng ahensya noong Hulyo 30.

LATEST

LATEST

TRENDING