Duterte: Wala nang pera para sa ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang pera ang pamahalaan para ibigay bilang ayuda sa mga tao.

Aniya, “Ngayon, magsabi kayo i-lockdown mo na ang Maynila, ang ibang lugar, the entire Philippines para talaga wala nang mahawa. Wala ka nang mahawa. Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people (Wala na akong maibibigay na pagkain at pera sa mga tao).”

Ang isinabatas na Bayanihan to Heal as One Act noong Marso ay nag-awtorisa sa pangulo na mamahagi ng emergency subsidy mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 sa 18 milyong maghihirap, isang beses kada buwan sa loob ng dalawang buwan para sa unang bugso ng social amelioration program.

Ang kasunod na bugso naman ay kinabibilangan ng mga pamilyang hindi naisama sa unang alon ng ayuda.

Batay sa datos noong Hulyo 29, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) na 6.9 milyong benepisyaryo sa ikalawang bugso ang nakatanggap ng ayuda.

Ang target na bilang naman ng mga benepisyaryo sa ikalawang bugso ng ayuda ay 8.5 milyong pamilyang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

LATEST

LATEST

TRENDING