Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapanukalang P4.506-trilyong national budget para sa 2021 na layong ipagpatuloy ang mga nasimulang hakbang kontra Covid-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) noong Agosto 2.
Ang spending plan para sa 2021 ay mas mataas nang 9.9 percent kumpara sa P4.1 trilyong national budget ngayon taon.
Katumbas din ito sa 21.8 percent ng gross domestic product ng bansa, dagdag pa ng DBM.
Ayon sa ahensya, layunin ng badyet ang food security, pagtaas ng investments sa public at digital infrastructure, at tulungan ang mga komunidad sa pang-araw-araw na buhay ngayong panahon ng krisis.
Inaprubahan ni Duterte ang panukalang badyet noong Hulyo 30, ayon sa DBM.
Ang 2021 National Expenditure Program (NEP) at iba pang budget documents ay isusumite sa Kongreso bago ang 30-day Constitutional deadline.