Duterte: NPA, puwede ring makakuha ng libreng bakuna kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Noel Celis (The Philippine STAR)

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari ring makakuha ng libreng bakuna kontra Covid-19 ang mga miymebro ng New People’s Army (NPA). Ibibigay umano ito sa kanila kung kinakailangan.

Aniya, “I do not propose that you respond to my policy (Hindi ko iminumungkahing pansinin ninyo ang palisiya ko)… Itong mga NPA, if they really want to get their shots free, they can always line up, and I will ask now the military and the police to be forgiving (Kung gusto ng NPA ng libreng bakuna, uutusan ko ang pulis at militar na maging mapagpatawad). Pag nakapila sila doon, walang armas just to get the shots, give it to them (ibigay niyo sa kanila)”.

I want you to stay healthy because my soldiers are very, very healthy. And they should be getting the first shots of the vaccine should we acquire them in due time (Gusto ko kayong maging malusog sapagkat malusog na malusog ang aking mga sundalo. Sila ang dapat makakuha ng unang bakuna kung magkaroon na),” dagdag pa ni Duterte.

Naunang sinabi ng pamahalaan noong nakaraang linggo na nakahanda itong gumastos ng ₱20 bilyon para mamahagi ng libreng bakuna sa 20 milyong katao.

Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, na inatasan ng pangulo na kumalap ng pondo para sa nasabing hakbang, bibili ang bansa ng 40 milyong doses ng bakuna na nagkakahalaga ng ₱20 bilyon.

We have a plan (May plano tayo),” wika ni Dominguez. “We can execute it as soon as the Department of Health (DOH) chooses which vaccine or vaccines they want. Certainly, by late this year, if it’s available, we can already buy it (Maisasakatuparan natin ito kung pumili na ang DOH ng bakunang nais nila. Tiyak na mabibili natin ito sa dulo ng taon kung magkakaroon na).”

Ang mga bakunang pipiliin ng DOH ay bibilhin ng Philippine International Trading Corporation (PITC), na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).  Ito ay unang babayaran ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, bago bayaran ng DOH.

Kumpiyansa ang pangulo na magkakaroon na ng bakuna sa Disyembre.

Posible umano na ang China ang isa sa mga pinakaunang bansang makatutuklas ng bakuna at nangako umano ang China na bibigyang prayoridad ang bansa kung magkakaroon na ng bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING