Ruben Ecleo Jr., timbog sa Pampanga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Ruben Ecleo Jr.

Inaresto ng mg awtoridad ang dating representante ng Dinagat Islands at pinuno ng kulto na si Ruben Ecleo Jr. noong Hulyo 30 sa Pampanga, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief  Maj. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, numerong unong Most Wanted Person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Ecleo, na may PHP2-milyong bounty.

Ipinahayag ni Sinas na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang pulis sa Dinagat Island na umalis si Ecleo mula sa isla anim na taon na ang nakalilipas at nagtago kinalaunan sa National Capital Region (NCR).

The informant came from the Dinagat island and proceeded to Manila and coordinated to our operatives and give us an idea where Ecleo is residing (Nagmula sa Dinagat island ang informant at nagtungo sa Manila para makipag-ugnayan sa mga operatiba tungkol sa kinaroroonan ni Ecleo),” ani Sinas.

Bago arestuhin, nagsagawa ng anim na buwang surveillenace ang mga operatiba ng NCRPO sa tahanan ni Ecleo sa Angeles, Pampanga.

Nadakip si Ecleo 4:30 a.m. sa San Fernando, Pampanga matapos ihain ang arrest warrant sa kanya ng 1st Division ng Sandiganbayan para sa kasong graft and corruption. Inaresto rin ang drayber niyang si Benjie Relacion Fernan para sa obstruction of justice.

Noong 2012, sinintensyahan si Ecleo ng life imprisonment dahil sa pagpatay ng kanyang asawang si Alona sa Cebu City noong 2002.

Inutusan din ng hukuman si Ecelo na magbayad ng PHP25 milyon bilang compensatory damages para sa pamilya ng kanyang asawa.

Na-convict din sa Ecleo noong 2006 sa kasong graft matapos ang maanomalyang konstruksyon ng public market at town hall, at ang paggawa sa building ng kanyang kulto sa San Jose, Dinagat Islands noong siya ay alkalde pa noong Dekada ’90. Sinintensyahan siya ng 31 taong pagkakabilanggo dahil dito.

Nasabat sa suspek ang tatlong short firearms, isang M-16 rifle, fake IDs, isang golf set, isang Grandia van na nakarehistro sa pekeng pangalang “Marcos Macapagal Garcia”, perang nagkakahalaga ng PHP173,000, tatlong cellphones, at ilang piraso ng alahas.

We will try to check if the guns are licensed, (if not), then we could file for illegal possession (Titignan namin kung lisensyado ang mga baril, kung hindi, magsasampa kami ng kasong illegal possession),” giit ni Sinas.

LATEST

LATEST

TRENDING