Cebu business sector, sang-ayon kay PRRD sa pagsasaayos ng telco services

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula kay: Roger Vallena

Bagama’t kinikilala ang pagsisikap ng mga telecommunication companies na pagbutihin ang kanilang serbisyo, sinag-ayunan ng mga business leaders ng Cebu ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang serbisyo ng telecommunications industry para sa mga subscribers nito.

Iginiit ng business sector ng Cebu na mahalaga ang internet connectivity lalo na sa panahon ngayon kung saan nagiging popular ang “work from home”.

Ayon kay Wilfredo Sa-a Jr., Cebu IT BPM Organization managing director, ang serbisyo ng telecommunications ay mas mahalaga sa ngayon dahil sa pagdami ng taong gumagamit nito na nagtatrabaho sa kani-kanilang mga tahanan.

Aniya, “The reliability of telco services and Wi-Fi will always be welcomed as work-from-home is getting to be a very popular option (Ang relayabilidad ng telco service at Wi-Fi ay palaging kikilalanin, habang tuluyang nagiging popular na opsyon ang work from home),”.

The more reliable telcos, the better, and hope this will be accompanied with more globally competitive costing, fast and affordable, (Kapag mas maaasahan ang telcos, mas mabuti, at sana mas maging mura at mabilis pa ito),” dagdag pa niya.

Pinangungunahan ni Sa-a ang isang grupo ng outsourcing companies sa Cebu, isa sa mga sektor na nakadepende sa internet connection. 

Para naman kay Mandaue Chamber of Commerce and Industry president Steven Yu, nagpatupad na ng mga hakbang ang telecommunications companies para ayusin ang kanilang serbisyo.

The telcos are not perfect but I believe that they are also trying their best to improve connectivity. They may have issues on permitting, etc. and we can listen to them (Hindi perpekto ang mga telcos subalit naniniwala akong ginagawa nila ang lahat para mapabuti ang koneksyon. May mga problema rin sila katulad ng permitting, etc. at puwede natin silang pakinggan),” ani Yu.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PLDT at Globe Telecom na ayusin ang kanilang serbisyo o di kaya ay harapin ang “pagpapasara” o “expropriation”.

Kindly improve the services before December… better have that line cleared… If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone (Paki-ayos ang serbisyo ninyo bago mag Disyembre… linisin niyo ang linya… Kung hindi kayo handang magbago, baka ipasara ko na lang kayo at bumalik na lang tayo sa telepono) at kukunin ko yan expropriate ko sa gobyerno,” giit ni Duterte.

Nangako ang pangulo na ilalaan niya ang nalalabing dalawang taon sa puwesto sa pagsasaayos ng telecommunications services sa bansa sa tulong ng Kongreso.

Ang Globe Telecom, ay isang unit ng Ayala Corp. habang si Manny Pangilinan naman ang nagsisilbing chairman ng PLDT Inc., na pag-aari rin ng NTT DoCoMo ng Japan at First Pacific Co. ng Hong Kong.

Inaasahan naman ang pagpasok sa industriya ng ikatlong telecommunications provider na DITO Telecommunity.

LATEST

LATEST