Aboitiz Equity, nakapagtala ng P4B net income sa unang bahagi ng 2020

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ng Aboitiz Equity Ventures, Inc. (AEV) noong Hulyo 28 na bumaba ang net income nito nang 55 percent sa PHP4 bilyon sa unang bahagi ng 2020 mula sa PHP9 bilyong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon, isang manipestasyon ng mababang kontribusyon sa income ng pinakamalaking business unit nitong Aboitiz Power Corporation.

Kinilala ng kumpanya ang non-recurring losses na PHP20 milyon kumpara sa PHP78 milyong non-recurring gains na naitala noong nakaraang taon,  na kumakatawan sa foreign exchange losses mula sa revaluation ng dollar-denominated assets. 

Sa kawalan ng one-off losses, ang core net income ng AEV para sa unang bahagi ng 2020 ay nasa PHP4 bilyon, 54 percent mula sa PHP8.9 bilyon. 

Power ang kumakatawan sa 49 percent ng total income contributions mula sa Strategic Business Units (SBUs) ng AEV. Ito ay sinundan ng banking and financial services (39 percent), food (14 percent), infrastructure (-1 percent), at land (-1 percent).

The current Covid-19 crisis continues to disrupt and impact our organization in different ways. Throughout this, we have given significant attention to our ability to adapt to changes and to prepare for uncertainties (Ang pananasala ng Covid-19 krisis ay lubos na nakaapekto sa aming organisasyon. Dahil dito, pinagtuunan namin ng pansin ang pag-ayon sa mga pagbabago at kawalan ng katiyakan),” pahayag ni Sabin Aboitiz, Aboitiz Group president at chief executive officer.

Umaasa ang Aboitiz na gaganda ang ekonomiya sa ikalawang hati ng taon habang dahan-dahan ang pagtransisyon ng bansa sa new normal.

Dagdag pa ni Aboitiz, “For the rest of the year, our goal is unchanged: to remain resilient and for our business units to be in the best possible position when we emerge from this crisis, in order to support the country’s economic recovery. As One Aboitiz, we will continue to be one with the nation in its fight against Covid-19 (Sa nalalabing bahagi ng taon, nananatili ang aming layunin na maging matatag at ilagay sa mabuting posisyon ang aming business units para suportahan ang pagbangon ng ekonomiya mula sa krisis. Bilang iisang Aboitiz, patuloy kaming makikiisa sa bansa sa laban kontra Covid-19)”.

Ang net income contribution ng Aboitiz Power Corporation (AboitizPower) sa AEV para sa unang bahagi ng 2020 ay bumaba nang 57 percent year-on-year mula sa PHP6.7 bilyon hanggang PHP2.9 bilyon, dahil sa mababang demand bunsod ng pagpapatupad ng community quarantine. Isa ring dahilan ang pagkawala ng kuryente sa unang bahagi ng 2020 ng Pagbilao units 1-3, Therma South, Inc. Unit 2, at GNPower Mariveles Coal Plant Ltd. Co. Unit 2. 

Ang mga pagbabawas na ito ay nakapag-offset sa pagbaba ng purchased power costs sa unang bahagi ng 2020, at kita mula sa Therma Visayas, Inc. at Therma Mobile, Inc., na parehong online simula Enero 2020, kumpara sa ikalawang quarter noong 2019.

Samantala, nakapagtala naman ng income share na PHP 1.7 bilyon sa unang bahagi ng 2020 ang distributions business ng AboitizPower,  isang 7-percent decrease year-on-year, na kumakatawan sa 32 percent ng income contributions mula sa business segments nito. 

Ang income contribution naman ng Union Bank of the Philippines (UnionBank) sa AEV sa unang anim na buwan ng 2020 ay umabot sa PHP2.3 bilyon, mas mababa nang 3 percent mula sa PHP2.4 bilyon sa parehong panahon noong 2019.

Ang non-listed food subsidiaries naman ng AEV (Pilmico Foods Corporation, Pilmico Animal Nutrition Corporation, at Pilmico International Pte. Ltd. – na kinabibilangan ng Gold Coin Management Holdings Limited) ay nakapagbigay ng PHP795 milyong kita sa unang bahagi ng 2020, mas mataas nang 44 percent mula sa naitalang PHP552 milyon noong 2019.

Ang non-listed real estate businesses naman ng AEV, na kinabibilangan ng Aboitiz Land, Inc. (AboitizLand) at subsidiaries nito, ay nakapagtala ng consolidated net loss na PHP39 milyon para sa unang bahagi ng 2020 kontra PHP60 milyon sa parehong panahon noong 2019.

Ang kontribusyon ng AboitizLand sa unang bahagi ng taon ay nasa PHP1.1 bilyon, mas mababa nang 20 percent mula sa parehong panahon noong 2019, habang may pagbaba sa kita ng residential business.

Para naman sa Infrastructure group, nakapagtala ng PHP10 milyon net loss ang Republic Cement & Building Materials, Inc. sa AEV sa unang bahagi ng 2020, kumpara sa PHP249 milyong income nito sa parehong panahon noong 2019.

Ito ay dahil sa pagbaba ng demand sa semento buhat ng pagbagal ng mga aktibidad sa konstruksyon sa panahon ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING