WHO chief: Covid-19 cases sa buong mundo, dumoble sa nakalipas na anim na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus

Ipinahayag ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Hulyo 27 na muli niyang ipatatawag ang Emergency Committee sa Huwebes, Hulyo 30, para muling suriin ang Covid-19 pandemic, dahil sa pagdoble ng mga kaso sa buong mundo sa nakalipas na anim na linggo.

Sa Hulyo 30 mamarkahan ang ikaanim na buwan simula nang ideklara ng WHO ang Covid-19 outbreak bilang public health emergency of international concern noong Enero 30.

Ayon kay Tedros, halos 16 milyon na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa buong mundo at mahigit 640,000 na ang mga namamatay.

This is the sixth time a global health emergency has been declared under the International Health Regulations, but it is easily the most severe (Ito ang ikaanim na beses na idineklara ang isang global health emergency sa ilalim ng International Health Regulations, subalit malinaw na ito ang pinakamalala),” ani Tedros, sabay giit na patuloy ang pagratsada ng pandemiya.

Idiniin din ni Tedros na dumoble ang kabuuang bilang ng mga kaso sa nakalipas na anim na linggo. Binanggit din niyang bagama’t nagbago ang mundo, wala pa ring pagbabago sa mga pangunahing hakbang para pigilan ang coronavirus at magkapagligtas ng buhay –  paghahanap, pag-isolate, pag-test, paggamot sa pasyente, at pag-trace at quarantine sa mga nakasalamuha nito.

Countries and communities that have followed this advice carefully and consistently have done well, either in preventing large-scale outbreaks (Ang mga bansa at komunidad na mariing sinunod ang abisong ito ay naging matagumpay sa pagpigil na magkaroon ng malawakang outbreak) — like (tulad ng) Cambodia, New Zealand, Rwanda, Thailand, Vietnam, and islands in the Pacific and Caribbean — or in bringing large outbreaks under control, like (o pagkontrol sa mga malawakang outbreaks tulad ng) Canada, China, Germany and the Republic of Korea,” paliwanag ni Tedros.

LATEST

LATEST

TRENDING