PBA at PFF, pinasalamatan ang GAB para sa muling pagpapahintulot ng trainings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pinasalamatan ng Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football Federation (PFF) ang Games and Amusements Board (GAB) sa paglabas nito ng joint administrative order (JAO) na nagpapahintulot sa mga atletang propesyonal na magbalik-training sa gitna ng Covid-19 pandemic.

“Nagpapasalamat ako sa gobyerno dahil napayagan na tayo magsimula. Meron nang JAO,” ani PBA Commissioner Willie Marcial noong Hulyo 27.

We thank the (Nagpapasalamat kami sa) Games and Amusements Board, chaired by Mr. Abraham Mitra, Philippine Sports Commission, led by Chairman William Ramirez, and the Department of Health, under Secretary Francisco Duque III, for signing the JAO which allows professional teams to train (sa paglagda ng JAO na nagpapahintulot sa mga professional teams na makapag-ensayo),” wika naman ni PFF president Nonong Araneta, na siyang namamahala ahensyang nangangasiwa sa Philippines Football League (PFL).

Dagdag na ni Araneta, “We look forward to the clubs to prepare for the (Inaasahan namin ang paghahanda ng mga koponan para sa) PFL 2020 season”.

Bagama’t inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik ng professional sports practices noong Hunyo, nanatiling nakatengga ang PBA, PFL, at maging ang Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 teams dahil sa kawalan ng JAO.

Ngayong inilabas na ang naturang kautusan, makakapag-ensayo na ang mga koponan at umaasahang makakapag-umpisa na ang kani-kanilang mga seasons sa Setyembre.

“Hopefully, dire-direcho na tayo,” giit ni Marcial.

Inumpisahan na ng PFL ang paghahanda sa kanilang mga manlalaro at team staff sa pamamagitan ng pagpapasailalim ng mga ito sa reverse transcription-polymerase chain reaction testing.

Ayon kay PFF secretary general Ed Gastanes sa Hulyo 16 na edisyon ng Usapang Sports forum, lahat ng 155 kataong sumailalim sa testing ay nagnegatibo rito.

Nauna na ring inanunsyo ng Stallion Laguna at Kaya Iloilo na lahat ng kanilang mga  manlalaro at team staff ay nagnegatibo sa Covid-19.

Samantala, sinabi naman ni Marcial na ipinag-utos na niya ang panibagong Covid-19 testing para sa PBA teams ngayong linggo. Magkakaroon naman ng re-testing sa bawat sampung araw.

LATEST

LATEST

TRENDING