Cojuangco-Jaworski, nakipagpulong sa IOC para sa posibleng POC charter change

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
International Olympic Committee Executive Board member Mikee Cojuangco-Jaworski

Kasalukuyang nakikipagpulong si Mikee Cojuangco-Jaworski sa iba pang miyembro ng International Olympic Committee (IOC) tungkol sa mga huling development sa loob ng Philippine Olympic Committee (POC), kung saan isa rito ay ang pag-amyenda sa charter nito.

Sa ginanap na Philippine Sportswriters Association Forum online noong Hulyo 28, sinabi ng dating equestrian champion at aktres, na regular siyang nakikipagpulong sa IOC.

“Regularly naman kaming in touch especially with these amendments because priority talaga ng IOC ito and it was communicated noong nag-election before na talagang priority matter yung amendments ng constitution,” ani Jaworski na bagong miyembro ng IOC executive board.

Ang pag-amyenda sa POC charter ang naging pangunahing paksa sa ahensya sa mga nagdaang pagpupulong.

Aniya, “Marami nang mga developments in the Olympic movement that we would want to keep up, and there were a lot of issues na because of the interpretation of the by-laws (na nais naming ipagpatuloy at may mga isyu na dahil sa interpretasyon ng by-laws), nagkaroon ng mga questions. So dapat naman talaga siyang ma-address”.

Isa sa mga ipinapanukalang pagbabago ay ang paglalagay ng age limit sa mga tatakbo sa pagkapangulo ng POC at board member, kung saan ipinagbabawal ang mahigit 80-anyos.

Subalit, apat na miyembro lamang ng POC na sina POC president Bambol Tolentino, immediate past president (IPP) Ricky Vargas, secretary general Ed Gastanes, at board member Robert Mananquil, ang sumang-ayon sa panukala.

Ang iba pang anim na sina Chairman Steve Hontiveros, First Vice President Joey Romasanta, Treasurer Julian Camacho, Auditor Jonne Go, at Board Members Clint Aranas at Cynthia Carrion, at tumanggi sa ideya.

Si Cojuangco-Jaworski, na anak ni dating POC president Peping Cojuangco, ay isa sa tatlong nag-abstain sa botohan, kasama sina Board Member Prospero Pichay at POC Athletes Commission officer Nikko Huelgas.

Wala naman sa naturang pagpupulong si Second Vice President Jeff Tamayo.

Nagbotohan din ang POC sa tally na 8-5, para tanggihan ang isa pang planong buwagin ang chairmanship position at panatilihin ang IPP post.

Nangangahulugan itong mananatili ang mga lumang panuntunan sa gaganaping POC elections sa Nobyembre.

LATEST

LATEST

TRENDING