Palawan board, ipinag-utos ang suspensyon ni Narra Mayor Gerandy Danao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinag-utos ng Palawan provincial board, bilang adjudication body, ang 60-day preventive suspension ng dating magsasaka na si Narra Mayor Gerandy Danao dahil sa mga kasong administratibo laban sa kanya.

Sa botong 13-0, kabilang ang isang abstention, inihain ang 10-pahinang preventive suspension order ng Provincial Legal Office (PLO) noong Hulyo 28 matapos magsampa ang Narra municipal council, sa pangunguna ni Vice Mayor Crispin Lumba Jr., ng mga reklamong administratibo laban sa alkalde.

Dapat mag-uumpisa ang suspensyon sa pagkakatanggap ng kautusan, subalit tinanggihan ng kampo ni Danao na tanggapin ang dokumento.

Nahaharap si Danao sa tatlong administrative cases na inihain noong Mayo 25 ng municipal council para sa “grave misconduct,” “gross negligence,” at “conduct prejudicial to the best interest of service.”

Ang reklamong grave misconduct ay nakaugat sa inisyung permit ng alkalde para sa isang cockpit arena sa Barangay Antipuluan, kung saan hindi ito inaprubahan ng lokal na Sanggunian.

Itinuro rin ng municipal council ang umano’y hindi paghahanda at pagsusumite ni Danao ng Executive Budget para sa 2020; at kapabayaan sa episyenteng pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 2020-976, isang ordinansang naglalaan ng tinatayang nasa P9.8 milyon para sa pagbili ng equipment at pasilidad bilang pagtugon sa banta ng Covid-19.

Binigyang diin din ng Sanggunian Bayan ang mismanagement ng alkalde na nagresulta sa pagbababa ng produksyon ng Narra Municipal Water System.

Ekslusibong makakapanyam ng Banat Pilipinas News si Mayor Gerandy Danao live bukas, 6:00-7:00 AM sa programang Bantay Pilipinas – Bantay ng Bayan Laban sa Katiwalian!

LATEST

LATEST

TRENDING