PRRD, nagbabalang huhulihin ang mga nagsamantala sa distribusyon ng SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nagsasamantala sa programa ng pamahalaan para sa pagbibigay ng ayudang pinansyal.

Sa paglalahad ng pangulo ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27, binigyang diin nito ang iba’t-ibang hakbang ng pamahalaan na maabutan ng tulong ang mga Pilipinong naapektuhan ang kabuhayan buhat ng Covid-19 pandemic.

Nagpaabot umano ng tulong ang pamahalaan para sa mga manggagawang nasa ilalim ng “no-work, no-pay” arrangement, subalit ang mga ayuda ay napunta sa kamay ng mga mapagsamantalang indibidwal.

Hindi aniya ito papayagan ng gobyerno, ayon kay Duterte.

Under the Social Amelioration Program, we allotted (₱205 billion) for poor and low-income households who were affected during this pandemic, who thrive on a “no-work, no-pay” arrangement. Admittedly, our implementation of the Social Amelioration Program was not perfect. And some opportunists turned crisis into opportunity. We will catch up with you sooner than you think (Sa ilalim ng SAP, naglaan kami ng P205 bilyon para sa mahihirap na naapektuhan ng pandemiya, na nabubuhay sa ‘no-work, no-pay’ na sistema. Inaamin kong hindi perpekto ang pagpapatupad ng SAP. At ang ibang oportunista ay nagsamantala. Mahuhuli rin namin kayo),” giit ng pangulo.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Duterte kung anu-ano ang kanyang plano para hulihin ang mga taong nabanggit.

Noong Hunyo. sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakatanggap ito ng 452 na reklamo hinggil sa anomalya sa SAP.

Binanggit naman ni DILG Secretary Eduardo Año na hinahanda ang mga kaso laban sa mga inakusahan.

LATEST

LATEST

TRENDING