SONA 2020: PRRD, kinilala ang tagumpay ng bansa sa 2019 SEA Games hosting

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghohost ng bansa sa ika-30 na Southeast Asian Games noong Disyembre 2019, na nabalot ng kontrobersya subalit nagresulta sa pagkakamit ng maraming gold medals para sa bansa.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, pinuri ni Duterte ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, Philippine Sports Commission, at Philippine Olympic Committee para sa matagumpay na hosting ng SEA Games.

Our athletes prevailed (Namayagpag ang ating mga atleta),” pahayag ni Dutert.e

Dagdag pa ng pangulo, “More than that, we fostered pride, patriotism, genuine sportsmanship, and camaraderie in our Southeast Asian brothers and sisters (Bukod dito, nagkaroon tayo ng pagmamalaki, patriyotismo, tunay na sportsmanship, at pagkakapit-bisig sa ating mga kapatid sa Timog-Silangang Asya)”.

Giit ng pangulo, “Indeed, we won as one (Talagang nanalo tayo nang iisa)”.

Namayani ang mga atletang Pilipino sa 11-nation meet, at nakapag-uwi ng 149 gold medals. 

Gayunmapan, may mga pinagdaanang problema ang hosting ng bansa. Inakusahan ng kurapsyon ang organizing committee. Ang inilaang badyet para sa event ay ginisa rin ng Senado, partikular na ang P55 milyon na ginastos para sa cauldron na naglalaman ng SEA Games flame. 

Minadali rin ng mga organizers ang pagsasaayos sa mga venue, at humingi rin ng tawad ang PHISGOC bago ang opening ceremony matapos magreklamo ang ilang football teams tungkol sa iba’t-ibang isyu sa travel, transportasyon, at hotel.

Naging trending topic naman ang “kikiam”, matapos sabihin ng coach ng Philippine women’s football team na ginawang almusal ang popular na street food sa kanilang hotel.

Subalit, ang tagumpay ng mga atletang Pilipino naman ang pumawi sa atensyon ng publiko mula sa mga pagkukulang ng organizers.

Bukod-tangi ang ipinamalas na kabayanihan ni Roger Casugay, isang surfer na isinuko ang kanyang oportunidad na makapagkamit ng gold medal para mailigtas ang isang manlalarong Indonesian na nilampaso ng malalaking alon.

Pinasalamatan naman ito ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia.

Binigyang pugay din ni Duterte ang paglikha ng National Academy of Sports, sabay sabing mabibigyan nito ng karampatang training at suporta ang mga student-athletes upang maging matagumpay sila sa kani-kanilang mga napiling larangan.

LATEST

LATEST

TRENDING