SONA 2020: Duterte, dumulog kay Xi Jinping para bigyan ang Pilipinas ng bakuna kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China
Larawan mula sa: Reuters

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 na dumulog ito kay Chinese President Xi Jinping na payagan ang Pilipinas na maging isa sa mga unang bansang makakukuha ng bakuna kontra Covid-19 sakaling dumating na ito.

Sinabi umano ito ni Duterte kay Xi apat na araw bago ang SONA.

I made a plea to President Xi Jinping that if they have the vaccine, can they allow us to be one of the first or if needed, if we have to buy it, that we will be granted credit so that we can normalize as fast as possible (Dumulog ako kay Pangulong Xi na kung mayroon na silang bakuna, payagan tayong makakuha agad, o kung kailangang bilhin, bigyan tayo ng credit para agarang maibalik na sa normal ang sitwasyon),” giit ng pangulo sa kanyang talumpati.

Naunang tiniyak ni Xi, sa pakikipag-usap niya kay Duterte, na bibigyan ng prayoridad ang Pilipinas sakaling makapag-develop na ng bakuna kontra Covid-19 ang China.

Ayon kay Duterte, makasisiguro ang taumbayan na ang bakuna ay “nariyan lang”.

Aniya,  “Sooner and not later, the virus that gobbled up thousands of lives will itself be laid to rest (Hindi magtatagal, magwawakas din ang pamiminsala ng virus na bumawi sa buhay ng libu-libong tao)”.

Samantala, idiniin naman ng political scientist na si Julio Teehankee na hindi dapat umasa si Duterte sa China para sa suplay ng bakuna dahil may mga iba pang bansa ang gumagawa ng mas dekalidad na bakuna laban sa coronavirus.

Isa lamang ang China sa mga bansang sinusubukang makatuklas ng bakuna laban sa nakamamatay na sakit. Subalit, may mga vaccine candidates din mula sa Estados Unidos at United Kingdom na kasalukuyan ay nasa late-stage trials na.

Gayunpaman, hindi pa naman tiyak kung kailan ilalabas ang mga ito dahil nakapende pa umano ito sa datos ayon sa developers.

LATEST

LATEST

TRENDING