VP Leni, dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 27

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dadalo si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Hulyo 27, ayon sa kanyang spokesperson noong Hulyo 23.

Inamin ni Vice Presidential Spokesperson Barry Gutierrez na kukumpirmahin pa niya ito kay Robredo. Subalit, naniniwala itong dadalo ang pangalawang pangulo dahil palagi naman itong umaattend sa SONA ni Duterte.

“Hindi ko alam kung natanggap na niya iyong sulat kasi as of a few days ago, medyo sarado temporarily iyong aming opisina,” pahayag ni Gutierrez.

Dagdag pa niya, “Kung maitutuloy ito at mayroon namang mga patakaran o mga procedures para tiyakin na magiging ligtas iyong mga taong pupunta, I’m sure she will consider going (Tiyak akong ikokonsidera niyang pumunta)”.

Nais umano ni Robredo na talakayin ng pangulo sa kanyang SONA ang estado ng pamahalaan tungkol sa isinasagawa nitong mga hakbang kontra Covid-19.

“Siguro iyong mga inaasahan nating ma-spell out doon sa SONA: una, ano na iyong nagawa? Ano iyong hindi naabot at ano iyong kongkretong plano, malinaw na plano dito sa darating pang mga buwan na kailangan nating harapin itong krisis na ito,” ani Gutierrez.

Giit niya, “We’re not yet out of the woods. We have a long way to go. (Wala pa tayo sa labas ng kagubatan. Malayo pa ang ating lalakbayin.) So kailangan maging malinaw sa ating mga kababayan, sa ating mga mamamayan, ano ba ang maaasahan natin sa gobyerno sa darating na mga buwan?”

Inaasahang magiging makasaysayan ang SONA sa Hulyo 27 dahil sa hybrid nitong format.

Ilalahad ng pangulo ang kanyang ikahuling SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City sa harap ng limitadong bilang ng mga tagapakinig na kinabibilangan ng mga mambabatas at iba pang mga panauhin. Ang ibang hindi naman makadadalo nang pisikal ay dadalo na lamang online.

Wala rin umanong mangyayaring “fashion show” sa darating na SONA, ayon sa Malacañang.

LATEST

LATEST

TRENDING