Duterte, hindi ‘kinokonsolida ang kapangyarihan’ ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Itinanggi ng Malacañang noong Hulyo 22 na ginagawang estratehiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkonsolida ng kapangyarihan para supilin ang kalayaang magpahayag habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mabahala si Rappler CEO Maria Ressa sa pagkokonsolida aniya ni Duterte ng kapangyarihan na nauwi umano sa pagtanggi na mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

There is certainly no truth to Ms. Ressa’s allegation. The press can keep on reporting as long as there is no violation and has the right to continue its operations (Walang katotohanan ang paratang ni Bb. Ressa. Makapagpapatuloy ang operasyon ng press kung wala itong paglabag at may karapatan itong magsagawa ng operasyon),” ani Roque.

Idiniin din nitong ang Kongreso lang ang may karapatang magbigay ng broadcasting franchises.

We have maintained a neutral stance on the issue as part of our courtesy and respect to a separate co-equal branch of the government (Nananatili kaming neutral sa isyu bilang pagbibigay galang sa hiwalay at co-equal na sangay ng goyerno),” giit ng tagapagsalita ng pangulo.

Ayon kay Roque, nakapag-uulat pa rin ang ABS-CBN, Rappler, at iba pang news sites tungkol sa mga pangyayari sa bansa.

A good case in point is the ABS-CBN News coverage of the not guilty plea of Maria Ressa, which can be read online (Isang magandang halimbawa ang ABS-CBN News coverage ng hindi pag-amin ni Maria Ressa bilang guilty, na mababasa online),” wika ni Roque.

Inasakusahan naman ni Roque si Ressa na “naglalarong biktima” lang daw ito sa pamamagitan ng paglatakay sa non-renewal ng ABS-CBN franchise sa kanyang press conference.

Sa isang press conference matapos magsabing hindi siya guilty sa isinampang tax evasion case, nagbabala si Ressa na maaaring mangyari ang ABS-CBN shutdown sa anumang media outlet.

It’s unthinkable that ABS-CBN shut down. It’s like the perfect storm where the pandemic and the lockdown enabled the government to consolidate power (Hindi ko lubos maisip ang nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN. Para itong perpektong bagyo na pinahintulutan ang pamahalaan na maging makapangyarihan dahil sa pandemiya at lockdown),” paliwanag ni Ressa.

LATEST

LATEST