Bayanihan 2 bill, sesertipikahang ‘urgent’ ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sesertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) bill na magpapahintulot sa kanyang mag-realign ng mga pondo para gugulin sa Covid-19 response at sa ayuda para sa iba’t-ibang apektadong sektor, ayon sa Malacañang.

Makikipag-usap ang pangulo sa mga mambabatas sa Lunes, Hulyo 27, sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang ikahuling State of the Nation Address (SONA). 

“Pagdating naman po doon sa sasabihin ni Presidente, siguro hintayin na lang natin. Talagang hindi ko po pangungunahan ang Presidente. Pero, naririyan din po ang Bayanihan 2 na sigurado ako, ise-certify as urgent,” ani Presidential Spokespman Harry Roque.

Dagdag pa ni Roque, “‘Yong Bayanihan 2 naman po ay isa ‘yan sa malakas na sandata natin na gagamitin natin para tayo naman po ay makabangon dito sa aberya ng Covid”.

Bago manalasa ang pandemiya, naitala ng Pilipinas ang pinakamababa nitong hunger ratings at mataas na credit ratings. 

“Kampante tayo sa isang V-shaped recovery dahil napakalakas nga po ng ating ekonomiya. Kakayanin po natin ito,” giit ni Roque.

Hindi naman naipasa ng Senado ang Bayanihan 2 noong Hunyo 2 matapos hindi ituring na “urgent” ng ehekutibo ang panukalang batas.

Ang bersyon ng Senado sa Bayanihan 2 ay hahalili sa naunang probisyon sa Bayanihan to Heal As One Act na nagpapahintulot sa pangulo na kontrolin ang mga ospital at iba pang pampribadong pasilidad habang nasa kalagitnaan ng Covid-19 krisis.

Aalisin din ang kapangyarihan ng mga awtoridad na mag-aresto o patawan ng parusa ang mga lalabag sa quarantine protocols.

Ang bagong panukala ay inaasahang mag-aawtorisa sa pamahalaan na gumastos ng P140 bilyon bilang ayuda sa mga pinakaapektadong sektor buhat ng pandemiya.
 

LATEST

LATEST

TRENDING