Nograles: PRRD, hindi pinag-uusapan ang charter change sa Gabinete

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi umano tinatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ukol sa charter change sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, matapos punain ng ilang opisyal ang pagtutulak sa panukalang ito habang nasa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

“Wala namang binabanggit si Pangulo regarding charter change. It’s not something that he’s talked about or spoken to anyone of us about (Hindi pa niya ito tinatalakay sa amin),” paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles. 

Naunang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 1,488 na mga alkalde ang nagpahayag ng pagsuporta sa dalawang reporma sa Saligang Batas. Ito ay:

– pag-alis sa foreign restrictions sa mga industriyang limitado lamang sa mga Pilipino;
– pagkalap ng mga lokal na pamahalaan ng pondo mula sa national taxes at hindi lamang mula sa kani-kanilang internal revenue allotments (IRA)

Ayon kay Nograles, “stakeholders” ng DILG ang mga lokal na pamahalaan.

If the local governments have some concerns or issues (Kung may mga problema o isyu ang mga pamahalaang lokal) or mayroon silang hinihingi sa DILG, then DILG necessarily has to process whatever request or recommendation that their stakeholders have (dapat tugunan ng DILG ang bawat hinanaing ng kanilang mga stakeholders),” giit ni Nograles.

Gayunpaman, nasa kapangyarihan umano ng Kongreso ang pagsasakatuparan sa charter change.
 
Samantala, hindi naman “nakalista” bilang prayoridad ng Senado ang ipinapanukalang charter change, ayon kay Senate President Vicente Sotto III matapos sabihin ng Mababang Kapulungan na muling ibabalik ang deliberasyon ukol dito sa susunod na linggo.

Nothing in the proposal… seeks to do away with the 2022 elections (Wala sa panukala… ang planong alisin ang 2022 elections),” paglilinaw naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na siya ring administrator ng Federalism and Constitutional Reform program.

LATEST

LATEST

TRENDING