DSWD, nangakong aayusin ang sistema para sa mabilis na pamamahagi ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DSWD Secretary Rolando Bautista

Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na papaigtingin nito ang kasalukuyang sistema para masiguro ang mabilis, banayad, at transparent na implementasyon ng social protection programs nito kasabay pag-ulat na 3.1 milyong indibidwal na ang nabibigyan ng ayudang pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Tiniyak ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa publiko na bukod sa Social Amelioration Program (SAP), patuloy ang pag-implementa ng regular na mga programang layong pagaanin ang malubhang epekto ng Covid-19 krisis, lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

Kabilang dito ang AICS, social pension program, relief augmentation support para sa local government units (LGUs), at ang supplementary feeding program.

Iginiit ng kalihim na sinisikap ng DSWD na pagbutihin ang mga estratehiya at palisiya nito para matiyak ang agarang pamamahagi ng serbisyo sa mga mahihirap.

For efficient and transparent delivery of social services, the DSWD is expected to strengthen and fasttrack the implementation of social amelioration and continue to deliver its flagship programs in empowering individuals and communities to get back on their feet (Para sa mabilis at transparent na pagbibigay ng serbisyo, inaasahang papalakasin at pabibilisin ng DSWD ang implementasyon nito ng social ameriolation at ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga flagship programas sa pag-angat ng mga indibidwal at komunidad),” ani Bautista.

Dagdag pa niya, “We will ensure the strengthening and implementation of (Titiyakin natin ang pagpapalakas at implementasyon ng ) risk-informed, evidence-based, and shock-responsive social protection systems to reduce the vulnerabilities of at-risk populations and improve their overall resilience (para maibsan ang pagiging bulnerable at mapaigting ang katatagan ng populasyon)”.

Ayon kay Bautista, mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2020, nakapagbigay tulong ang AICS sa 3.1 milyong indibidwal sa panahon ng krisis buhat ng sakit, pagkamatay ng kapamilya, kalamidad, at iba pa.

Sa ilalim ng AICS, inaasahang makatatanggap ng ayudang pera ang mga itinalagang benepisyaryo.

Batay sa panuntunan ng ahensya, kabilang sa mga benepisyaryo ng AICS ay mga pamilyang walang tahanan at iba pang bulnerableng grupo, indigent indigenous peoples, impormal na sektor, mga magsasaka, at mga mangingisda.

Nakapagbigay din ang DSWD ng disaster relief assistance sa tinatayang tatlong milyong pamilya mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2020 para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Idiniin din ng kalihim na maraming mahihirap na senior citizens sa 2020 ang nakatatanggap ng regular na grants mula sa social pension para sa Indigent Senior Citizens Program mula sa 1.4 milyong benepisyaryo lamang noong 2011.

Aniya, “The program’s coverage significantly increased to around 3.6 million in 2020, representing 43 percent or nearly half of the 8.3 million elderly population in the country (Nadagdagan ang benepisyaryo ng programa sa 3.6 milyon sa 2020 na kumakatawan sa 43 porsyento o halos kalahati ng 8.3 milyong senior citizens sa bansa)”.

LATEST

LATEST

TRENDING