DOH: Laban kontra Covid-19, malayo pa sa dulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Matagal pa bago magwakas ang laban kontra Covid-19 kaya hindi pa tiyak kung masasabi na nananalo o natatalo na ba ang bansa rito, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH) noong Hulyo 18.

“Wala namang certain sa ngayon. We all know that the situation is really evolving. Hindi rin natin masabi kung tayo ay nananalo na o hindi dahil sa tingin namin matagal pa ang laban natin,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 65,000 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, na may 1,773 na mga nasawi at 22,067 na mga gumaling.

Gayunpaman, iginiit ni Vergeire na kontrolado na ng pamahalaan ang Covid-19 upang hindi nito maparalisa ang health care system ng bansa.

Aniya, “Kahit sabihin natin na tumataas talaga ang kaso, hindi natin ‘yan ikakaila, pero nandiyan na ang kapasidad ng ating health system para tayo ay makaagapay kung sakaling tayo’y magkakaroon ng tuloy-tuloy na pagtaas ng kaso”.

Ayon sa opisyal na datos ng kagawaran, walong araw ang case doubling rate bagong Covid-19 infections habang halos 12 na araw naman ang fatality doubling rate.

We have progressed (May progreso na tayo) na nako-control at nama-manage na natin actually,” giit ni Vergeire.

Bagama’t naabot na ng Metro Manila ang “danger zone” para sa mga pasyente ng Covid-19, hindi pa naman umano umabot sa sukdulan ang bansa.

Sa buong bansa, mayroon pang mahigit kalahati ng mga available na intensive care unit (ICU) beds, isolation beds at ventilators. Avaiable rin ang 42 porsyento ng mga ward beds, ayon sa DOH.

Hinikayat din ni Vergeire ang mga pasyente ng Covid-19 na lumipat sa mga government isolation facilities kung hindi makasusunod sa mga panuntunan ng home quarantine.

“Kung hindi makaka-comply do’n sa mga conditions for a safe home quarantine, kailangan po natin silang hikayatin na lumipat nalang dito sa temporary treatment and monitoring facilities natin,” wika ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING