Sotto kay Duque: “Baka fatten the curve ang ibig niyang sabihin”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Matapos igiit ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na na-flatten na ng Pilipinas ang Covid-19 curve nito, pabirong tumugon naman si Senate President Vicente Sotto III sa kalihim at sinabing baka ibang “curve” ang tinutukoy ni Duque.

Aniya, “Baka fatten the curve ang ibig niyang sabihin. Daming tumaba”.

Pinabulaan din ng ibang mga senador ang naging pahayag ng DOH Secretary.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri,  “the only thing that is flat are the backs of all the poor patients in fully occupied [COVID-19] wards all around Metro Manila fighting for their lives! (ang bagay na na-flat ay ang likod ng mga Covid-19 patients sa mga wards sa Metro Manila habang lumalaban na mabuhay!”

Samantala, imungkahi naman ni Senador Risa Hontiveros kay Duque na “tignan ang mga datos ng DOH nang may brutal na katapatan”.

“Itigil muna nila ang pag-spin sa mga numero. Walang duda: tumataas ang COVID-19 cases sa bansa. Prayoridad dapat natin ngayon ang kaligtasan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating mga health programs hanggang sa barangay,” ani Hontiveros.

Nilinaw naman ni Duque ang kanyang naging pahayag at sinabing hindi na-flatten ang curve, bagkus ay naging “bent” lamang umano ito.

Humingi naman ang kalihim ng paumanhin ukol sa kalituhang idinulot ng kanyang unang pahayag.

Image may contain: 1 person, text

LATEST

LATEST

TRENDING