Pagbabahay-bahay sa Covid-19 patients, pinangangambahan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mores Heramis (ABS-CBN News)

Parehong natatakot ang mga residente at ilang pulitiko sa mungkahi ng pamahalaan na susunduin ng mga pulis ang mga nagpositibong pasyente ng Covid-19 o mga pinaghihinalaang may sakit nito sa ilalim ng programang “Oplan Kalinga”.

Naunang binanggit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magbabahay-bahay ito para hagilapin ang mga pasyenteng positibo o pinaghihinalaang nagpositibo sa Covid-19 para ilagay sa quarantine facility. Ginawa na raw ito sa Lungsod ng Cebu.

“‘Yung pagbahay-bahay na ito ay pangungunahan ng ating public health authorities at ating mga pulis ay mag-a-assist lang. Kailangan ambulansya kasi violation ng protocol kapag mobile at saka yung pulis kasi hindi naman trained ang ating pulis diyan,” ani Año.

Dagdag pa niya, “Mayroon naman tayong listahan ng mga positive na naka-home quarantine. Ngayon titingnan din natin ang mga suspect dito na halimbawa ay ayaw mag-report, ayaw lumantad pero may mga reports sa atin na ito ay maaaring infected na, so puwede nating mai-test ito agad at kung talagang positive at ilalabas natin agad”.

Ayon sa ilang residente, kagaya nina Rosemarie at Marilou Magan, baka mamali ng taong kukunin ang mga awtoridad.

“Natatakot po. Siyempre po malay mo po wala naman dito tapos magkamali sa amin madala po kami mahirap na po,” pahayag ni Magan.

Samantala, para naman kay Senador Risa Hontiveros, mistulang “Oplan Tokhang” umano ang bagong programang ito ng pamahalaan.

Dapat aniyang i-deploy ang mga doktor at health workers sa halip na kapulisan.

This may actually discourage more people from reporting their status. We need to improve home- & community-based healthcare (Baka matakot lang ang mga taong iulat ang kanilang tunay na estado. Dapat paigitingin natin ang home at community-based healthcare). Imbes na pulis, mas kinakailangan ang mga doktor at health workers sa barangay at mga kabahayan. We need more and better barangay-based healthcare, not this,” ani Hontiveros. 

Iminungkahi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na sa halip na gawin ang peligrosong pagbabahay-bahay, idiresto na lang umano ang mga pasyenteng nagpositibo sa Covid-19.

Aniya, “’Yung house to house is very dangerous, delikado. Maraming asymptomatic eh. Baka mahawahan ang mga pulis natin at kapag nahawahan, magkukulang tayo sa tao. So a better strategy kapag positive dalhin agad sa isolation centers.”

Wala naman umanong problema ang programang ito para kay Senate President Vicente Sotto III, basta’t isagawa alinsunod sa batas.

Nilinaw naman ni Joint Task Force COVID shield Commander Gen. Guillermo Eleazar na tutulong lamang ang mga pulis sa “Oplan Kalinga.” 

“Tutulong ang ating pulisan. hindi kami magkukusa na kami kami magkakakatok. Hindi po sa pangunguna ng mga health workers. Pupuntahan ang ihahatid sa facilities. Maghihintay kami sa magiging guidance ng LGU,” paglilinaw ni Eleazar.

LATEST

LATEST

TRENDING