Remulla: Motorcycle barriers, “delikado, nakakaabala, at walang saysay”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Screengrab mula sa presentasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Hulyo 10, 2020

Inilarawan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang bagong inaprubahang physical barrier design para sa mga motorsiko bilang  “delikado, nakakaabala, at walang saysay”.

“Dear IATF: Thank you for the new Backride Policy for Couples (Salamat sa bagong backride policy para sa mag-asawa). Unfortunately, kung sino man ang gumawa ng backshield design instruction ay kailanman hindi sumakay ng motor,” wika ng gobernador sa isang Facebook post.

Dagdag pa niya, “It is dangerous, inconvenient and most importantly, it does NOT make sense! (Ito ay delikado, nakakaabala, at higit sa lahat, wala itong saysay!”

Iginiit ni Remulla na sapat na aniya ang pagsusuot ng face mask, jacket, at helmet dahil mga mag-asawa lang naman ang pinapayagang mag-angkas sa mga motorsiklo.

Naunang pinabulaanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangamba sa kaligtasan ng mga motorycle barrier.

Lumaganap ang paggamit ng mga motorsiklo sa kalye dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon bunsod ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING