Malacañang sa ABS-CBN isyu: ‘Move on’ na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Umapela ang Malacañang sa taumbayan noong Hulyo 13 na mag-“move on” na at suportahan na lang ginawang kapasyahan ng komite sa Kamara na tanggihan ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN

“Maski po tayo manghinayang eh tapos na po ang boksing,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung puwede sanang nakatulong ang network sa panukalang blended learning ng Department of Education (DepEd) sa darating na pasukan.

Dagdag pa niya, “At dumaan na po sa proseso sang-ayon sa Saligang Batas, wala na po tayong magagawa. Let’s move on.”

“’Yan po ang naging desisyon ng komite. Kinakailangan po respetuhin ng lahat,” giit ng tagapagsalita ng pangulo.

Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa, na nagresulta sa permanenteng pagpapasara ng network.

Ayon sa technical working group na nagrekomenda sa pagbabasura sa aplikasyon ng network, walang karapatang magbalik-operasyon ang ABS-CBN dahil sa samut-saring isyu nito kabilang ang kontrobersya sa citizenship, pagkakaroon ng iskemang tax-avoidance, isyu sa labor, biased na pagbabalita, at iba pa. Pinabulaanan naman aniya ng network ang mga alegasyon laban sa kanila.

Iginiit naman ng Palasyo na “neutral” si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu at sinabing igagalang ang kapasyahan ng Kongreso. Bagama’t unang nagalit si Duterte sa network dahil sa hindi pag-ere nito ng kanyang campiagn ads noon, pinatawad na niya aniya ito.

Tinanggihan naman ni Roque ang mga paratang na maihahalintulad ang pagpapasara ng network noong panahon ng martial law sa ilalim ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

“Alam po natin ang nangyari doon sa panahon ng martial law, may prangkisa po, pinasara. Ang nangyari po ngayon, napaso ang prangkisa, hindi po na-renew,” pahayag ni Roque.

LATEST