Nagtalaga ang Malacañang noong Hulyo 13 ng mga bagong “czar” na mangunguna sa pag-implementa ng mga hakbang ng pamahalaan kontra Covid-19.
Ipinakilala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang “Philippine anti-Covid czars” na sina Bases and Conversions Development Authority President at CEO Vince Dizon, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, at Health Undersecretary Dr. Leopoldo “Bong” Vega.
Ang apat na opisyal ay magsisilbing point persons para sa ipinatutupad na T3 (Test, Track, Treat) framework ng pamahalaan.
Ang naturang framework, na ipenresenta ni National Task Froce against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ay naglalaman ng limang sangkap sa paglutas sa Covid-19 krisis. Ang mga ito ay planning, detection ng virus, isolation, treatment, at reintegration.
Si Dizon, na siya ring deputy chief implementer ng pandemic response ng bansa, ay magsisilbi bilang testing czar at pangungunahan ang pagpapawalak sa Covid-19 detection ng bansa.
Si Baguio City Mayor Magalong naman ay magiging tracing czar matapos hirangin ang kanyang lungsod ng pamahalaang nasyonal sa “best practice in contact tracing” nito sa kasagsagan ng pandemiya.
Magsisilbi namang isolation czar si Public Works Secretary Villar at pangungunahan ang pagtatatag ng mga quarantine facilities sa buong bansa.
Magiging treatment czar naman si Health Undersecretary Vega. Ang kanyang tungkulin ay mag-monitor sa critical care capacity ng mga ospital para sa Covid-19 cases.