Malacañang: MGCQ sa NCR, hindi kahabagi ng anumang rekomendasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Inamin ng Malacañang noong Hulyo 13 na maliit ang posibilidad na paluwagin ang klasipikasyon ng quarantine sa Kalakhang Maynila sa Hulyo 16 dahil sa patuloy na pag-akyat ng Covid-19 cases rehiyon.

Sinabi ito Presidential Spokesperson Harry Roque alinsunod sa naging rekomendasyon ng mga Metro Manila mayors at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Aniya, “That was not part of any recommendation made (Hindi ito kabahagi ng anumang rekomendasyon). That’s all I can say until i-announce po ng Presidente”.

Bagama’t itinutulak ng mga economic managers ni Duterte ang pagbubukas ng ekonomiya, hindi pa rin kinonsidera ng pangulo ang pagpapasailalim ng Kamaynilaan sa modified general community quarantine (MGCQ).

“‘Yan ang gustong mangyari ng mga economic managers pero hindi po ‘yan naging rekomendasyon ng kahit sino, mayor o IATF, sa mga naganap na magpupulong,” ani Roque.

Hindi pa raw naaayon ang datos sa case doubling rate at critical care capacity sa panukalang pagtransisyon ng National Capital Region (NCR) sa pinakamagaang klasipikasyon ng quarantine.

“Datos po ang tinitignan natin kung tayo po ay magluluwag at siguro po at this point, the data does not indicate na pupuwedeng magluwag po at least sa Metro Manila,” wika ni Roque.

Samantala, habang hinihintay ang anunsyo ng pangulo hinggil sa panibagong quarantine protocols, sinabi naman ni National Task Force (NTF) on Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na ibabalik ang paghihigpit sa ilang mga lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng mga Covid-19 cases.

Giit ni Roque, “Hindi po namin ibibigay ngayon kasi si Presidente po ang mag-announce pero meron pong mag-e-escalate at yung mga area po na ito ay yung nakikita nating nagkakaroon ng new cases and spikes”.

Gayunpaman, nanatiling positibo ang tagapagsalita ng pangulo na magiging kontrolado rin ng bansa ang patuloy na pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases.

“Sa nakaraan na anim na linggo, dumoble po ang mga kaso sa iba’t ibang parte ng mundo, ayon sa World Health Organization. Pero kaya naman po ito ma-control,” pagbibigay diin ni Roque.

Inaasahang mang-aanunsyo ang pangulo ng mga panibagong quarantine protocols sa Miyerkules, Hulyo 15.

LATEST

LATEST

TRENDING