Commisioner ng KWF, naghain ng resignation letter sa ikatlong beses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Commissioner for Samar-Leyte Languages Jerry Gracio
Larawan mula sa: Twitter (@JerryGracio)

Sa ikatlong pagkakataon, inihain ng screenwriter na si Jerry Gracio ang kanyang resignasyon upang magbitiw bilang commissioner for Samar-Leyte languages sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), dahil hindi na niya masikmura ang maglingkod sa isang “pamahalaang pasista”.

Isinapubliko ni Gracio, na isa ring manunulat sa ABS-CBN, ang kanyang resignation letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 11.

“Umaasa sa inyong mabilis na pagtugon sa liham na ito,” ani Gracio.

Ayon kay Gracio, una siyang nagbitiw noong naluklok bilang pangulo si Duterte, at sa Enero 10 naman ang ikalawang pagbibitiw.

“Napipilitan na lamang akong gampanan ang tungkulin dahil wala kayong itinatalagang kapalit ko,” wika ni Gracio na itinalaga sa puwesto noong 2013.

Iginiit ni Gracio na bilang manunulat, hindi niya kayang manilbihan sa isang administrasyong walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa kalayaang magpahayag.

“Kay aananuhon pa man an mga yakan, an mga pulong kun patay na ang mga tawo? – Ano ang silbi ng wika kung patay na ang mga tao?” giit ng kanyang liham.

Ang KWF ay ang opisyal na regulating body ng wikang Filipino.

Noong nakaraang linggo, nagbitiw naman sina Rhodora Bucoy at Noreen Capili bilang chairperson at commissioner for media and arts sa Philippine Commission on Women.

Ayon kay Capili, na nanawagan para sa ABS-CBN franchise renewal, hindi niya kayang magtrabaho bilang representante ng media habang patuloy ang pag-atake at pag-abuso sa kanyang kinabibilangang sektor.

Sa botong 70-11, tinanggihan ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara noong Hulyo 10 ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa.

LATEST

LATEST

TRENDING