Pinamataas na bilang ng mga namatay sa Covid-19 sa isang araw, naitala noong Hulyo 12

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire

Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19 sa isang araw noong Hulyo 12.

Ayon kay DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire, 162 deaths ang naitala, subalit nilinaw niyang karamihan sa mga pagkasawing ito ay nangyari sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa 162 na mga namatay, 18 ang binawian ng buhay noong nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Vergeire, asahan umano ang pag-akyat sa bilang ng mga naiuulat na mga pagkasawi dahil sa Covid-19 bunsod ng isinasagawang data reconciliation sa pagitan ng DOH at mga lokal na pamahalaan.

Noong Hulyo 12, nakapagtala ng 2,124 na bagong Covid-19 cases para sa kabuuang 56,259. Nasa 2,009 na mga pasyente naman ang gumaling.

Hindi naman nakapaglabas ang ahensya ng huling datos hinggil sa Covid-19 noong Hulyo 12 dahil sa pagtaas sa bilang ng mga reported cases, recoveries, at deaths sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING