Duterte, mag-aanunsyo ng panibagong quarantine protocols sa Hulyo 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Posibleng mag-anunsyo ng mga panibagong panuntunan ng community quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules, Hulyo 15, parehong araw ng pagtatapos ng mga umiiral na guidelines, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bagama’t hindi nagbigay ng detalye ang mga opisyal, maliit umano ang tsansang ipapasailalim ang Kalakhang Maynila sa pinakamagaang modified general community quarantine (MGCQ).

The data does not indicate (Hindi sinasalamin ng datos) na pwedeng magluwag sa Metro Manila,” ani Roque.

Mayroon nang 56,259 na mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa ayon sa datos noong Hulyo 12, kabilang ang 2,124 na mga panibagong kaso. Sa kabuuang bilang na ito, 16,046 na ang gumaling habang 1,534 naman ang nasawi.

Sinabi naman ni National COVID-19 task force chief implementer Carlito Galvez, Jr. na inirekomenda aniya ng mga Metro Manila mayors ang pagpapanatili ng general community quarantine (GCQ) sa buong National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng hospital bed occupancy.

Malaking bahagi ng bansa ay nasa pinakamagaang klasipikasyon na MGCQ, habang nananatili naman sa pinakamahigpit na klasipikasyon o enhanced community quarantine (ECQ) ang Lungsod ng Cebu dahil sa pag-spike ng mga Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING